Pamilyar ba ang title sayo? :)
Yes! tama ka. Yan nga ang mga buttons na pinipindot para makakuha ka ng extra 27 lives sa larong "Contra" kumpara sa pagsisimula ng game na may 3 lives lang. Kung batang late 80's or 90's ka, malamang nakapaglaro ka na ng "Family Computer." Sikat na sikat to dati nung hindi pa lumalabas ang gameboy (black & white pa dat time). Eto ung gadget na gumagamit pa ng tapes na games. "Bala" ang tawag namin dito. Nilalagay ang Bala sa isang slot ng game machine. Parang bread toaster lang pag nag "eject" ka ng game tape.. tumatalsik! haha! kaya ang hirap maglaro nito ng patago sa parents, maingay kasi. Ang pinaka-nakakamiss jan eh ung paghipan mo sa bala kasi minsan pag sinalang mo, blurry ung game (parang garbage). Haha!
Naalala ko pa nung time ng kabataan ko. First honor ako nun sa klase at naging motivation ko talaga na manguna sa klase para lang makarequest ako sa parents ko na ibili ako ng napakasikat na technology na 'to. Madalas ko pang iyakan to dahil ayaw ako pagbigyan ng nanay ko na maglaro. Madalas kasi na pinagpapalit ko ang pagtulog sa tanghali sa paglalaro ng games. :))
Ilan lang sa mga sikat na games nito ang nabanggit ko nga na Contra, anjan din ang Mario Bros., Battle City, Twin Bee, Bomberman, at hanggang sa mauso ang 20 in 1, 100 in 1 at meron pang 10000 in 1. Nakakaloko kasi ung 1000 pla na games eh paulit-ulit lang.. Marketing nga naman, naabuso ang kawalang malay ng mga bata.
Simpleng graphics lang kumpara sa grapics ngaun ng mga games na makikita sa Sega, Playstation, PS2, PS3, PSP, X-Box, at Nintendo Wii. Kung baga oldies talaga ang dating. Pero wala pa ring tatalo sa unang experience, sa kinalakihan. Di ko sinasabing hindi ako naglalaro ng mga bagong technology ngaun, nais ko lamang iparating na ibang klaseng satisfaction pa rin ang naibigay sakin ng family computer kumpara sa mga bagong game gadgets ngaun.
May bali-balita pa nun na isang elementary student sa Japan lang daw ang gumagawa ng family computer.. hindi ko lang alam kung totoo un.
5 comments:
hahaha. meron kami dati nito. Pahirapan ilabas kasi naka-kahon pa.
Pinaka gusto ko noon ung biniling street fighter na bala kaso after 3 weeks, nasira ng mga kalaro ko/ baka ako.
Hahaha.. malamang ikaw nakasira.. aminin muna.. haha!
i like the description of your blog..
hahaha. reminds me of my childhood. dami ko ring masasayang alaala sa paglalaro ng NES.
idol, sindaya mo bang maliin yung taytol? :)
@NoBenta hindi nga eh.. di ko lang tlga nadoble ung AB.. hehe! tayo na batang 90's!
@Tim - thanks! and that's true right?
Post a Comment