Benigmassive.blogspot

Silence. Unspoken. Unstated.
Words. Terms. Expressions.


Sunday, July 11, 2010

inagaw ka sakin

Kung nasan ka man sana masaya ka na sa bago mong kasama.

Matagal din ang pinagsamahan natin. Lagi kitang kasama sa lahat ng oras. Bawat minuto, bawat oras. Madalas pa nga tayong mapuyat ngunit ako'y masaya. Siguro nasayo na ang lahat.. saya, lungkot, takot, kalokohan. Kung ano-anong feelings na ang naibahagi mo sa akin.


Namimiss kita. 

Ngunit wala na kong magawa. Tandang-tanda ko pa ang huli nating gabi na magkasama. Nakainom pa ko nun. Di ko namalayan na wala ka na pla. Iniwan mo na ko... biglaan ang lahat.

Nalaman ko na lang na inagaw ka pla sakin ng hindi ko namamalayan. Masakit dahil wala man lang akong nagawa para bumalik ka sakin. Naglaho na ang lahat.

Dumaan ang ilang araw. Dahil sa pangungulila...
Sorry pero nakahanap na ko ng kapalit mo. Masakit mang sabihin, ngunit mas maganda.

Kung nasan ka man, sana masaya ka din. Naisin ko man na hanapin ka, wala nang paraan. Sumuko na ko, kasi alam ko na imposible na din.

Napalitan man kita, hindi kita malilimutan sa tagal ng ating pinagsamahan. At kung sino man ang umagaw sayo.. isa lang ang masasabi ko.. P$^@*#) *!(!!!

Paalam na aking celphone.

-------------------------------------
Babala: Ito ay isang fiction lamang o kathang isip. Chillax lang tayo. ^_^
Inaalay ko ito sa inyo na minsan ng inagawan ng celphone.



3 comments:

DeejSpeaks said...

hehe.. I thought kung sino ung tinutukoy mo..=)

Poetic pa ang dating..=]]

Benh said...

hehe.. basahin mo ulet.. try mo i-rap. haha!

BatangGala said...

waaah!!ako naman na-biktima ngayon. akala ko totoo na. habang nagbabasa ko, iniisip ko na kung ano magandang ikoment yun pala, piksyon lang.haha:)) eniwey, natawa ko ng bonggang bongga sa nabasa ko sa taas,

"hehe.. basahin mo ulet.. try mo i-rap. haha!"

ang kulet.

bwahahaha! k,bye! ingat! :D