Sadya nga namang naparaming malanding tao sa mundo. Mapababae, mapalalaki. Ito na daw ang "in" ngaun. Kaya nga pati sa social networking tulad ng facebook eh sumikat ang status na "It's complicated" na minsan nauuwi sa "In a relationship" o "In a relationship with ___" kung proud ka. Minsan naman bumabalik sa "single." Naisip ko lang, magsuggest kaya ako sa facebook team ng isa pang status, "Single and complicated," in short puro landi lang ginagawa.
Masama bang lumandi? Eh pano kung ikaw na ang nilalandi, papalandi ka ba o magpapakasuplado ka? hehe!
Eto na nga ata ang bagong trend ng "New Generation" at minsan pinaglaan ni Rizal ng mga katagang "Nasa Kabataan ang pag-asa ng bayan." Ano pa? hindi ba't uso na rin ang baby muna bago kasal? Na kung salitang kalye lang eh ang tawag natin jan eh "disgrasya" o di nakapagingat o "natyambahan." Araykupo!
Maswerte din naman ung iba na pinapanagutan ng lalaki ang sarap na pinagsaluhan nila na sunod naman ay hirap sa maagang pagaasawa, lalo na ang maagang parenthood. Masakit isipin na pababa ng pababa ang age bracket ng mga taong nagiging magulang na... isama mo pa ang pataas ding trend ng "single parents." Hindi bat narevise na din ang batas patungkol sa pagpapangalan sa anak ng mga single parents? Maaari ng isunod sa apelyido ng babae ang anak na hindi na pinagutan ng abnormal na lalaki.
Eto, eto na ang salamin ng kabataan ngaun. Ikaw makikiuso ka ba?