Kapag
ready ka na daw mainlove ibig sabihin ready ka na din masaktan. Totoo. I
agree. Kasi naniniwala ako na hindi ka masasaktan kung hindi totoo ung
pagmamahal na nararamdaman mo. Masarap magmahal at palagay ko ito na ang
pinakamagandang creation ni God para sa tao. Pero sa emotion na to
kasama din ang pinakamasakit - ang masaktan. Bakit nga ba kelangan pang
masaktan kung nagmamahal ka? Bakit kung sino pa ung taong nagmamahal ng
totoo, siya pa ung madalas masaktan? Anlabo db? Pero un ung harsh
truth.
Magmahal o
masaktan? Kahit magmahal lang piliin mo, pinili mo din ang masaktan.
Wala namang taong gustong masaktan kaya nga never sumasagi sa utak ng
tao na masasaktan siya not until maramdaman nia na un. Hindi ready kasi
hindi naman pinlano talaga. At sino bang nagpaplano nito? Aus ka kung
ineexpect mo na dadating ka dito. Pero bakit nga ba kelagan pa talagang
masaktan?