"Ibuhos na ang beer sa aking lalamunan"
Sa lahat ng inumin, palagay ko ang beer na ang pinakamabenta. Kung san may celebration andun siya at di mawawala. Mapabirthday, binyag, kasalan, minsan kahit happy Friday lang okei na. hehe! Pero ang pinakamadalas na kasama nian eh ung mga problemado. Problemado sa buhay, sa lovelife, sa family, sa skul at kung san san pa.
Minsan ko na din namang naging kadamay ang beer sa problema. Di ba sabi nga nila, kung di kaya sa mabuting usapan, idaan na lang sa maBOTEng usapan. Mas masarap pa ngang kasama ang bote.. atleast un hindi ka iiwan.. until supplies last... anggat may 7eleven at Ministop, dehins ka mauubusan ng supply. hehe!
Masarap ding makipagkwentuhan pag anjan ang beer sa lamesa. Bukod sa sobrang ingay na (na halos lahat bumabangka na pag tinamaan na), lumalabas din ang tunay na saloobin tungkol sa mga usapin lalo na sa usaping pagkakaibigan. May mga nagkakaaminan din minsan dahil sa alak. At may mga sikretong nabubunyag! haha!
Lumuha na din ako kasamaang beer. Isa un sa mga moments ko na hindi ko makakalimutan sa buhay ko. Sa beer na din ako kumuha ng lakas para magpakatotoo sa sarili ko at sa nararamdaman ko. Naging karamay sa mga panahong sobrang down ako at pakiramdam ko ay nagiisa ako.
Iba talaga ang hiwagang dala ng beer sa buhay ng tao.
Paalala: Kung masosobrahan sa beer, wag dadalin sa utak, sa tiyan lang. haha!
- Lestat :)
No comments:
Post a Comment