paalala: isa itong walang kwentang post. Nais ko lang idedicate ang post na to sa katrabaho kong si Raul.. :)
at akalain mong nakalogout ako sa opis ng sakto sa oras. People who came in and came out of the office at the exact time - we call them Honda or short for On da dot. Sakto sa tagalog.
minsan lang to. Madalas kasi ay napapaovertime ako sa dami ng gagawin. But this time i made it to the point na saktong 6am uuwi na ko (night shift). Pero mas naaliw ako sa partner kong si RM. Siya na siguro ang pinakaworkaholic na nakatrabaho ko. Akala ko nagiisa lang ako sa opis na inaabot ng siyam-siyam just to get everything done.
Parehas kami ng ugali nitong ni RM. Ayaw umuwi ng hindi tapos lahat. Ayaw umuwi ng may mga pending sa desk. Naging ugali ko na din kasing hindi magpabukas ng trabaho. Di lang siguro ako mapalagay ng hindi plantsado lahat.
Bibo. Nakilala ko sa opis bilang bibo kid. Sa dami ng nakakakilala sakin dahil sa performance ko sa opis (ahem, konting yabang lang. pagbigyan), kaya lalo ako tuloy nabansagang bibo kid. Ewan ko ba, student pa lang ako madaldal na ko. Pag meron akong gusto malaman, I do everything to know that. Kung sa pa-curiousan lang eh panalo ako jan. Malikot lang siguro tlga ang isip ko.
Ayun at tayo'y lumayo. Bumalik tayo sa HON-DA. Na-overwhelmed lang tlga ako kasi bukod sakin, first time din ng kapwa ko TL na si RM na umuwi ng sakto sa oras. As in, unang beses nia tlga.
Elevator...
Naglalakad na kami sa labas ng building ng masabi ko sa kanya na.. "sana laging ganito.. sakto."
"Wala kaya akong nagawa ngaun," ika niya...
Natawa na lang ako.. Hahaha!
No comments:
Post a Comment