Benigmassive.blogspot

Silence. Unspoken. Unstated.
Words. Terms. Expressions.


Thursday, June 17, 2010

Petiks ako at di ko sinasadya

Late na kong nakauwi dahil sa paggala sa Megamall kasama ang mga kawork ko. Ang aga namin dumating dun. Palibasa galing nightshift. Sale daw ang Nike sa Megamall up to 70% off. Nakigulo ako.
In the end... wala rin akong nabili. Di lang talaga ako mahilig mamili at nahihilo ako sa dami ng tao. Suko ako.

At dahil jan napuyat ako ng sobra. 3.30pm na ko nakatulog at kelangan ko gumising ng 6pm para pumasok. Halos walang tulog. Mali... wala pala talagang tulog. :)

Fast forward... 

Nagising ako at exactly 7pm (late na to para sa work ko @ 9pm). Dumating ako sa opis about 10.30pm. Awww! sobrang late. Pero dahil halos flexible ang sched ko, carry pa naman yan. (tigas ng muka ko).

Inaantok ako.. sobra. bukod sa wala akong tulog halos wala kasi akong gagawin ngaung araw na ito. Siguro mga first 3 hours pa lang tapos na lahat ng gagawin ko. So I decided to review the deck na topic sa meeting ko for tomorrow.

Napapaidlip ako. nakakahiya. Ikaw ba naman magbasa ng 47 slides na presentation plus another 39 slides pa. Kinukulit ko ang katabi kong si RM para lang magising ako. Kaso wa-epek talaga.

2 beses naglunch... 2 beses ng break... Chika moments pa sa mga kawork. Ganyan ka busy ang araw ko sa opis. Nakakapanibago. Di ako sanay ng walang ginagawa. Di ako sanay ng petiks. Parang ang haba ng oras sa opis. 

Di ko alam bat may mga tao akong kilala na pilit naghahanap ng work na petiks lang daw. Eh sa totoo lang naman pag ganung klaseng work ang hinanap mo, tatamarin ka. Ikaw na mismo ang maghahanap ng gagawin. Ang haba talaga ng oras. As in!

Lesson: wag kagad tapusin ang trabaho. chill chill lang dapat. Para may gagawin pa throughout the day. hehehe! Make sense? parang sablay ang moral lesson ko. 



7 comments:

Unni-gl4ze^_^ said...

bwahahaa ang adik,,,ako pag alang tulog hilo na,,kamusta ang zombie mode hahaa,,,
ang saya saya 2 beses ng lunch plus 2 breaks di naman busy ang work mo nyan ano hahaa,,,,
moral lesson:wag makigulo sa sale sa mall kung walang bibilhn hahaa,,nawala sa track eh hehe,,

Benh said...

haha! oo nga no.. dpat pla un ang lesson.. salamat sayo unnie! :))

Unni-gl4ze^_^ said...

sorry naman sa kaingayan ko haha....

Benh said...

ayyiiii.. okei lang. parehas lang tayong maingay.. hahaha! :))

♫ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ ♫ ayu ♫ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ ♫ said...

tahaha..ako din nahihilo kapag crowded places..di pa ako nagwowork pero thanks sa lesson heheh ^^

nakanakz..HILINg ng S.SANCTUARY..peborit ko! :D

visit my blog if you have time!

jenskie said...

lol! korek, wan din ang moral lesson na natutunan ko :)

Benh said...

@ayu SILENT SANCTUARY!!!!! sigaw lang.. love hiling too.. peborit ko din. super. :)
@jenskie galing tlga ni unnie no? hehe