Benigmassive.blogspot

Silence. Unspoken. Unstated.
Words. Terms. Expressions.


Monday, August 16, 2010

EMOtional

Marahil narinig mo na ang salitang EMO. Ung in na in na salita ngaun kung saan madalas ay natatawa ka pag naririnig mo. Bakit? Kasi nirerelate mo cia sa mga taong masyadong madamdamin ang buhay. Ung mga taong kaya daw magpakamatay dahil sa sobrang kalungkutan. Well, sila nga ba tlga un?

Naniniwala ako na ang pagiging EMO ay dinadaanan lahat ng tao. Oo, maniwala ka! Mahirap sigurong tanggapin o malamang nagrereact ka na ngaun kasi feeling mo hindi ka naging EMO kahit minsan. Lahat ng tao may problema. Abnormal ka nga daw kung wala kang poblema. Pero kung EMO ka, madalas na ang problema mo ay problema sa puso, tama? Sino bang hindi nagkaproblema sa love o pagibig? Ikaw? Owss! kahit balibaligtarin natin ang mundo, alam ko nagkaproblema ka na sa pagibig! Hahaha! 

 Masama ba maging EMO? Para sakin hindi as long as nilalabas mo lang ang mga nararamdaman mo (expressive ata ang term dun). Masarap sa pakiramdam pag nilalabas ang mga hinanakit sa buhay. Minsan, isang sigaw lang katapat okay na. Hehe! So kelan ba nagiging masama ang pagiging EMO? un ay kung nilamon na ng puso ang utak ng isang tao. Kung saan nawawalan na ng logic ang tao. Dyan na ung naglalaslas na at tinatapos na ang buhay. Ano bang mapapala mo kung mamatay ka? Naisip mo ba ung taong iiwan mo? Ung mga taong nagmamahal sayo? o diba anlabo. Magisip-isip ka. 

Siguro nagtataka ka kung bakit ako nagsusulat ng ganito? Oo, tama ka! I’ve been there. Feels like the end of the world. Parang ayaw mo na at gusto mo na tumigil ang mundo mo. You are totally lost and don’t know where you are going to. Di mo alam kung san ka magsisimula ulit. Ang gulo-gulo ng buhay mo at hindi ka makapagfocus sa mg bagay na dapat mong ginagawa. Pero maniwala ka, isang araw magigising ka na lang na marerealize mo na kelangan mo bumangon para sa sarili mo. 

Minsan kelangan mong maging malungkot pero hindi ibig sabihin nun ay kelangan mong namnamin ng husto. Ung tama lang. Tamang emote, after nun, mas maraming realization dapat. Dun makikita mo, ano ba tlga ang dapat mong gawin. 

Ikaw naging EMO ka na din. Aminin mo man o hindi. Sure ako! 



10 comments:

Unni-gl4ze^_^ said...

uu na emo na tau emo hehe
naku panapanahon talga yang kaemohan n yan benh pero di naman laht ng oras ganun tau dba..
"Minsan kelangan mong maging malungkot pero hindi ibig sabihin nun ay kelangan mong namnamin ng husto."~~agree ako dito..

Benh said...

uu nga unni. Di naman masama eh.. paminsan-minsan lang lalo na pag may naaalala kang mga bagay-bagay na wala na sayo.. :D

mitchie said...

`cge cge . inaamin kong EMO ako ..
hahah .. ewan ko sau kuya benh ..
pero may point ka , ang dami mong point ..
hahah =))
pero ndi ako umabot sa point na maglalaslas ako ..
sayang ung dugo ko , wla na nga eh .. tatagas pa ! heheh .. ;)

Poldo said...

Una sa lahat maraming salamat at napadaan ka sa lungga ko...

Diba ang EMO e comes from the root word EMOTIONAL?? so iposibleng lahat ng tao e hindi nagiging EMO.. *wala lang may maiepal lang hihihi

Once na nakakarinig ako ng EMO o di kaya e tinatawag na EMO ang isang tao.. isa lang ang naiiisip ko....

Black shirt, Skinny jeans, Eyeliner at Blade hehehehe
\m/ BlogEnRoll

Arvin U. de la Peña said...

minsan emo din ako..may naisulat na nga ako na ang pamagat ay EMO..

darklady said...

Taas kamay pati paa na inaamin kong naging emo na din ako. Pero di naman dumating sa point na naglaslas o nagbigti. Mahal ko pa mukha ko para sirain ko.lol



Hindi naman ako lagi emo, yung layout ko lang sa blog ko ang laging emo.hahaha

Pretsel Maker said...

EMO ako kapag naririnig ko songs ni rey vallera

Benh said...

@Mitchie sana point na lang ako. haha! salamat sa iyong komento at wag ka ding maglalaslas.. hahaha! alam mo yan.. :D

@Poldo yan ung fashion nila.. salamat din at bumisita ka sa tambayan ko. :)

@Arvin penge ako ng copy. :D

@Darklady haha! hmmm.. oo nga no, sa muka pa lang natin luging-lugi na.. :))

@Pretsel tlga? madrama nga talaga.. hehe! mga tipong "sa sandaling kelangan mo ako.." :D

mitchie said...

@kuya benh : pag naglaslas ako ,
wla ka ng bibigyan ng advice ...
sayang nman ung mga point mo dba ? hahah =))
i love u kuya benh .. salamat ;)

Benh said...

@Mitchie uo nga naman.. haha! pero mukang masarap maging point.. bwahahaha! monsan try ko yan. :) love you too, mitchie. Stay focused! a'ryt?