Benigmassive.blogspot

Silence. Unspoken. Unstated.
Words. Terms. Expressions.


Sunday, August 1, 2010

Shetix

Hala at ako'y umuwi na namang tipsy. Pero wag ka mag-alala ang post na ito ay hindi tungkol sa paglalasing ko. :))

Nasa opis pa ko ng may magtext sakin at nagyayaya na uminom.. Syempre friday mode na naman at weekend na, sabi ko "ok, sunod na lang ako kasi shift ko pa.." Fast forward ng konti...3am after shift, derecho ako dun sa paborito naming tambayan... mga 5-minute walk lang naman kaya hindi hassle. Inabutan ko dun ang sandamakmak na opismates ko.. Hi jan, Hello dun.. papatagayin ka pa.. "sabi ko teka lang, chill lang tayo" Hinahanap ko ung table ng frend kong nagyaya sakin.. ayun at anjan lang pala sila.

Siya lang kilala ko sa table na yun so pakilala muna mga kasama. Ung 2 ka-opis ko pla kaya kilala ako. Order ng isa pang bucket kasi dumating ako... Pansin ko lang lasing na ata ung nagyaya na tropa ko. Mejo maingay na eh at alam mo naman pag lasing na. May inaya pa pla siyang isa pang friend na wa-know ng lahat. Hmmm.. in other words, alien. haha! Btw, nakalimutan ko sabihin na babae ung nagyaya sakin.. (pero tropa lang ah, wag lagyan ng kulay)

Ang siste, may gusto pala sa kanya ung isang ka-opis namin na itatago ko na lamang sa pangalan na Mr. Torpe. By the name of it, kelangan ko pa ba iexplain? Pero hindi ko un alam, wala din akong ideya eh. Okei naman kasama ang mga mokong, kahit unang beses na makabonding sa inuman, swak pa din. Parang matagal ng kasama.

Kaso ang masama at awkward na nangyari ay ganito... ung tropa ko na nagyaya sakin ay may gusto naman sa isa pa iyang bisita. Kaya aun mejo riot pala at may tensyon na sa table (syempre ako wala pa ring alam, tanga ba ako? hehe!).

(isa pang fast forward, last na)

Uwian na, bayad ng bills (ouch sa bulsa) haha! Pero sulit naman. Nauna na silang umuwi bukod samin ni Mr. Torpe na nagyaya pa ng isang round. Syempre ako kahit mejo may tama na, hindi na din tumanggi. Yun pla eh maglalabas ng sama ng loob sakin si Kuya. hehe!

"Pare bwisit na bwisit ako kanina"
"Ha? Bakit?"
(tinuro niya ung pwesto ng babae na katabi ko)

Syempre mejo matalino naman ako (haha!) kaya nagets ko na. "eh bat hindi mo pinormahan kanina? wala ka pla eh" kinantyawan ko.. Pano naman daw siya makakaporma eh dumating na ung isa.. Nanggigigil daw siya sobra. pero pinipigilan nia. Ang husay mo, sabi ko.. Kasi kung ako yun, walk-out na ko.

Mahal mo na ba o infatuation lang?
Mahal ko na ata pre.
Ay mahirap yan..
-------------------------------------------------------------------------------------------------

Minsan tlga may mga taong martyr pa din. Kung ako nasa lugar niya, papakita kong mahal ko ung tao. Consistency. Kelangan din yan. Parang napakasimple ng problema ni Mr. Torpe pero kung tutuusin mahirap din. Siguro dahil sa perspective ng isang tao. Siya kasi takot sa rejection. Takot sa risk. Parte na ng buhay yun.. at kelangan lang iaccept. There's no harm on trying at mas mahirap kung di ka man lang nagtry kahit isang beses.

Kung ikaw si Mr. Torpe, pano mo sosolusyunan ang problema mo?


No comments: