Benigmassive.blogspot

Silence. Unspoken. Unstated.
Words. Terms. Expressions.


Tuesday, August 10, 2010

Sampal

Anupa't dumampi din ang iyong malalapad na palad sa napakalambot niyang pisngi...

Dati rati'y madalas mo pang pisilin ang matataba niyang pisngi. At may mga panahon pang wala kang inatupag kundi halikan ang mapupula niang pisngi kung saan litaw na litaw pa ang dalawa niang dimples sa tuwing siya ay ngingiti. Anong nangyari at nadungisan na ang pisngi ng iyong  dalawang maruruming kamay? Bakit halos mamula na ang kanyang balat hindi dahil sa hiya o kilig kundi dahil sa pag sambot ng kanyang muka sa iyong galit na galit na palad. 

Bitbit ng iyong kamay ang napakabigat na damdamin na sa wari ko'y hindi mo maisalin sa salita kaya marapa't na lamang na isang SAMPAL na lang magpaliwanag ng lahat. Sapat na ito upang mailabas mo ang sakit na iyong dinadala. Ang sampal na nabubuo lamang dahil sa pag-ibig na sobra at labis na nasaktan.
"Hayup ka!" ito ang madalas na kasabay ng lumilipad na sampal ngunit hindi mo ito binanggit. Bakit? Dahil sa pag-ibig?

Saan nga ba matatapos ang lahat? Sa luha ba? na pagkatapos ng isang sampal ay tatalikuran na ang lahat ng pinagsamahan.. o sa isang yakap na handang humingi ng tawad at magpatawad? 


12 comments:

Jag said...

Ok lang na ako ang sampalin ng aking mahal wag lang na ako ang manampal...

Benh said...

Jag mahirap nga pag ikaw mananampal.. di ko din gawain un. haha!

darklady said...

sa isang sampal lang mapaparamdam mo na sa isang tao kung gaano ang galit mo sa kanya.


hmmm..bakit ang lungkot yata ng entry mo? sad ba?

MiDniGHt DriVer said...

aw.. ang salitang sampal ay ginagamit panghalili sa salitang hambalos. "kuya kim mode"

NoBenta said...

yan ang bagay na di ko kaya at ayokong matutunan.

Arvin U. de la Peña said...

hindi sumasampal ang isang tao kapag hindi galit sa sasampalin,hehe..mas maganda ang sampal ay magtapos sa yakap..

Benh said...

@Darklady sakto lang po. di naman sad, di rin masaya. gulo no? :D

@Driver - mahusay! natawa ako. hehe!

@NoBenta - wow naman. pero di ko pa rin naman nagawa yan. :))

@Arvin agree ako jan.. tama na ung mailabas lang ang galit, minsan kasi kelangan lang tlgang gawin para magising ung taong sinampal. sa huli, may love pa din naman.

mitchie said...

@kuya Jag and kuya Benh: kasi nman ndi gawain ng lalaki manampal .. hahah ! unless iba ang ktauhan nyo dba ? heheh ..

sana magawa ko toh soon .. hahah ! =)

klomster said...

may sumampal na sakin.. yung friend ko.. may lamok kasi sa pisngi ko! hahaha

Benh said...

@Mitchie haha! eh di suntok o sapak na lang kaya? hehe! para mas bagay. sigurado wala pang ganti un.. :D

@Klomster awww... akala ko naman kaya ka sinampal kasi may lamok sa pisngi mo.. (ano daw????) hahaha!

J. Kulisap said...

Ok na ito.
Nais kong ipaliwanag ang iyong akda hindi lamang sa magkasintahan o magkarelasyo kungdi pwede rin itong pampamilya, ina o ama sa kaniyang anak.

Mas maganda ang mag-usap at magpatawaran.

Hi Benh

Benh said...

Agree ako G.J.Kulisap! maganda pa rin na may puwang pa ang kapatawaran sa isa't isa. :D