Benigmassive.blogspot

Silence. Unspoken. Unstated.
Words. Terms. Expressions.


Tuesday, August 31, 2010

LATE > never

This is a very popular saying passed through generations. Simple but very meaningful.  Mostly applicable sa lahat ng bagay. What if iapply ko ang concept ng love since ito naman ang tema ko sa buwan ng Agosto? whatchathink? 

Nangyari na ba sayo na may nagawa kang maling bagay na gustong gusto mong ayusin pero parang tingin mo ay huli na ang lahat para sayo? Parang wala ka ng magagawa at natuldukan na ang lahat? Isang pakiramdam na pilit mong sinasaksak sa utak mo ngunit ayaw tanggapin ng puso mo. Sabi kasi ng puso mo - Hindi pa tapos ang lahat. Hangga’t humihinga ka at tama ang nararamdaman mo, may lugar pa para kumilos ka. Sabi nga never surrender ’til its over. Pero nadefine ba nila kung kelan mo masasabing over na? Hindi ba't ikaw lang din makakapagsabi kung kelan nga ba tapos na ang lahat. So kung sayo, walang katapusan, edi walang katapusan din ang pakikipaglaban mo sa feelings mo. Gudlak.. hehe!

Iba-iba ang ugali ng tao, may idealistic at merong emotional. Matapang daw ang taong emotional kasi  mas madalas nilang pairalin ang puso at nakabase lahat ng decision sa kung ano ang nararamdaman. Ngunit if you think about it may downside din - kadalasan tanga! Oo, kasi wala siyang pakialam sa kung ano na magiging tingin sa kanya basta mapakita at maexpress lang niya ung nararamdaman nia. Kung idealistic ka naman, mas madalas sarado ang utak mo at nakabase ang decision mo sa mga praktikal na bagay. Bato sila sa emotions. Tanong - Sino ba mas nagiging masaya sa dalawa? ewan ko. Depende siguro sa perspective un nung tao.  

Para sakin, walang masama kung mahuli ka, ang point pinaramdam mo pa din ung puso mo sa taong mahal mo. Yun nga lang, wag ka magexpect ng malaki at the end. Kasi ung pagiging late mo ay consequence na. Cosequence na ng bagay na ginawa mo at malamang naman ay pinagsisihan mo. Siguro mas maganda kung gawin mo na lang un for self-fulfillment. Oo, mas maganda kung happy ending pero kaya nga naisip ng tao ang tragic ending kasi merong mga kwento na hindi nagiging maganda sa huli. Ang mahalaga ginawa mo ang lahat para sa kanya. At the end, walang pagsisisi sayo.

I would say na fighting for your feelings is not a bad thing. Kudos! since you have the courage to face it. But on the other side, think also of the person you are fighting your feelings with. Is that person fighting for you too? Does that person appreciate what you are doing? Or s/he is already annoyed with you. People fall in love blindly, agree or not but its true... and loving too much can really kill. Loving too much is selfishness. think about it.

Balance - we need to balance everything. Weigh things. Hindi pwedeng puro puso, hindi rin pwedeng puro utak. 

14 comments:

BatangGala said...

wala na kong ibang masasabi kundi TAAMAA! hindi masama ang ipaglaban ang feelings hanggang sa kung saan ang kaya o hanggang saan ang gusto mo, pero minsan, kelangan din ang konting preno kasi, baka in the end, ikaw rin magsisi. nice post! liike it! :)

DeejSpeaks said...

TRUEE! But sometimes we have to give up.

Zyra said...

Madaling sabihin, mahirap gawin. Bakit mas madami ang sawi kesa sa masaya? Because they choose to be like that. It's not just letting go that we need to do, kelangan din natin ng acceptance and forgiveness. Acceptance that it's over and we couldn't do anything more to please that person in order for them to come back to what we want them to be, that's beside us. Forgiveness, for the fact that, most of us tend to blame ourselves for our dilemma. Acceptance + Forgiveness = Easy for us to let it go.

Poldo said...

Have you ever seen the movie GROWN UP by adam sandler?

At the beginning of the movie, it was a Kiddo basketball championship and the coach said..

You should not surrender in life until the final buzzer goes off, so you will not regret on anything.

Although your topic was all about love, siguro applicable din yan dun hihihihi..

MiDniGHt DriVer said...

Very well said bro! +1 Karma sayo!

Benh said...

@Batanggala minsan kasi kelangan din gamitin ang utak. hehe!

@DeejSpeaks what happened pre? bat ang negative mo? hehe!

@Zyra talaga bang mas marami ang sawi sa masaya? or siguro marami lang din talagang di pa nahahanap ung happiness na hinahangad nila? Agree that acceptance and forgiveness makes u move on easier. very well said! :)

@Poldo Wow papanoorin ko yan. Pre ang ganda nung sinabi nia dito ah.. i love that.

@Midnight Driver haha! plurk?

Benh said...

@Batanggala minsan kasi kelangan din gamitin ang utak. hehe!

@DeejSpeaks what happened pre? bat ang negative mo? hehe!

@Zyra talaga bang mas marami ang sawi sa masaya? or siguro marami lang din talagang di pa nahahanap ung happiness na hinahangad nila? Agree that acceptance and forgiveness makes u move on easier. very well said! :)

@Poldo Wow papanoorin ko yan. Pre ang ganda nung sinabi nia dito ah.. i love that.

@Midnight Driver haha! plurk?

Anonymous said...

better late than never... oo nga nmn.. mas matatahimik ang kalooban mo kung atleast eh nagawa mo ung gusto mong gawin despite the fact na huli na ang lahat...ndi man happy ending, atleast you've done ur part...tam..!! balance- balance everything...

c anonymous po ulit.. galing galing mo talaga kuya...kakatuwa.. dami ko napupulot sau ah... kip it up... hehe.. chow...!!!

Arvin U. de la Peña said...

habang may buhay may pag asa..huli man daw at magaling ay makakahabol din..

Benh said...

@Anonymous wwahhhh!! ayaw pa rin magpakilala ni anonymous.. haha! Salamat sa iyong komento. Tama lang na gawin mo lahat para at the end no regrets. hehe!

@Arvin hehe! pwede! :)

Zyra said...

ehem.. ewan ko sa knila sir..haha xD.. nweiz, kinda familiar ang typing style ni anonymous. :D

Traveliztera said...

totoo... hindi dpat HEART lang pinapagana nor HEAD alone... dapat nagtutulungan sila to be able to make everything smooth and fair naman... :)

Benh said...

Tama po kayo Traveliztera. Salamat po sa pagbisita. :)

Benh said...

@Zyra may idea ka ba kung sino si anonymous? hehe