Benigmassive.blogspot

Silence. Unspoken. Unstated.
Words. Terms. Expressions.


Tuesday, October 12, 2010

Pigil-pigil

Babala: PG18

Naranasan mo na bang sumakay sa elevator? 
Naranasan mo na bang sumakay sa elevator at may nakasabay ka na chick?
Naranasan mo ba bang sumakay sa elevator, makasabay ang isang chick at mawalan ng power supply?...

Pwes ako hindi pa. Hehe!

Pero ninais ko na ding mangyari sakin yan. Para bang sa mga pelikula ko lang napapanood yan. Napakaswerte ko siguro na kahit na matrap ka sa loob ng elevator eh chicks naman ang kasama mo.. malay mo may mangyari! Haha! Magkadevelopaaannn.. eto.

Pero naisip mo na ba na ang pinakamakasalanang parte ng tao ay ang pagiisip? Oo. Isang salita para maniwala ka... Pantasya.

Sino ba namang kalalakihan jan ang hindi nagpantasya kung kanino... at derechuhin na natin.. malaswang pantasya! Haha! O db db? umagree ka! lahat naman ata nagdaan sa ganyan.. May crush ka pero may pinapantasya ka din...

"Madalas kayong magtagpo sa iyong isip sa tuwing nagiisa ka't nalulumbay o di kaya naman ay wala kang magawa.. brownout at madilim ang paligid. Madalas mo din ciang kamustahin bago ka maligo. Sinisilip mo ang mapula niang labi at hinahawakan sa iyong isip ang bundok ng pagnanasa... Hindi ka pa nakuntento at pilit ding pinasok ang kagubatan na halos ikaligaw mo na... Ikawala ng iyong ulirat... feel na feel mo at halos ayaw mo na matapos sapagkat sa muka niay bakas ang kaligayahan na animo'y gustong-gusto din niya. Hayan na, malapit... ang climax ng inyong pagkikita.. hanggang sa muli aking pantasya."


Kung bitay lang ang katapat ng maduming pagiisip ay malamang konti na lang ang populasyon sa mundo. Kung nababasa lang natin ang isip ng bawat isa malamang ay isa din ako sa kahiya-hiyang haharap sa'yo. Ayoko magmalinis at gusto kong magpakatotoo. Galing na ko jan at di ko din masabi kung tapos na ko sa ganyang istilo ng pagiisip. 

Sadya nga namang makasalanan ang tao..

Sa isip, sa salita, ngunit wag naman sana sa gawa! :D


8 comments:

Anonymous said...

hahaha ayokong magmalinis pero tama ka benh,,madaming masasapul sa posteng mong to~~

pwede tagalan ang pagkatrap sa elevator with my kras hahahah ang adik lng eh~~~...pero baka mamatay kami sa loob dahil d na kami makahinga bwahah,,,,

morning benh~~

-unni-
tamad mag log in hehe

Jag said...

Bakit ako nagbabasa eh PG 18 pala to? LOL... ang galing ng intro natuwa ako...

kung hindi ka marunong magpantasya ay alien ka haha...

MiDniGHt DriVer said...

PG18 pala.. tsk tsk.. buti napigil ko sarili kong basahin :)

YanaH said...

hmmmm di ko naman yata nanaisin na matrap sa ngelebeytor na may kasamang chick.. hahahaha certified girlalooo ako eh wahahahaha... guy na lang pwede?

at naranasan ko ng matrap sa punyemas na ngelebeytor na yan nung nasa dubey pa ko.. sa lift-ngelebeytor ng flat na tinitirahan ko.. inabot kami ng mga 5minutes dun.. ang pang-asar pa dito.. pakistaning mabaho na mukhang rapist ung kasama ko natrap, so major major kaba naman ako.. as in nervous much.. hahahaha naishare ko lang..

Poldo said...

Natawa ako sa comment ni reana marie! este yanah pala! wahahahaha
anyway..
dun palang sa babala tinigil ko... below 18 pa kasi me (maniwala ka!) joke...

lahat naman e may pinagpapantasyahan noh... ako nga tapos na kela anne curtis angel locsin at ehra madrigal.. sila Zooey Deschanel at katty Perry na ngayon ang kasalukuyang pinagnanasahan ko!

HaLoJiN said...

hindi ko pa na experience po yun ai.. pero isa lang masasabai ko regarding pag-ibig... wala ng tatalo pa pag ikaw ay umiibig ^^, GODBLESS!

sikoletlover said...

hde pako natrap sa lift pero ayokong pangarapin kahit kasama ko ang aking ultimate pinagpapantasyahan. feeling ko madededs lang kami hehe

sana may lumalabas na thought bubble kapag nag-iisip. parang anime lang hehe dami siguro makakasuhan :P

Benh said...

@All sabi ko na basta mga ganitong post napaka-active nio! hahaha!

@Unni lately tamad ka lagi ah.. haha! chos lang! sige ba, kahit gano katagal pa.. sana inaya mo na lang ng date. hehe

@Jag sino2 na ba napagpantasyahan mo? haha! di na mabilang?

@midnight buti nalang napigilan mo basahin... pero nakapagcomment naman. hehe! :D

@Yanah hahaha! ayus yan, para ka lang may goon kasama.. suspense ang dating.. tipong "what's gonna happen next?" hehehe

@Poldo wow pare pang international kana.. try mo si Jessica Alba panalo.. hahahha! Si Zooey Deschanel panalo!!!

@Halojin ang seryoso ah.. parang malalim yan pre.. :)

@Sikoletlover uu.. pano nga kaya kung ganun? kakahiya siguro mga naiisip natin.. pano kung girl talk o boys talk pa?? hahahha!