(bago magsimula, benh --> iwasan ang taglish please!!! Umpisahan na ang malalalim na tagalog)
^_^ ang kulit lang ng titulo ng aking susunod na lathala kasi hindi naman ito ung unang beses na magsusulat ako sa blog (naku ano ba tagalog nito? palagay na lang sa comment). Nagkaron lang ako ng ideya (tagalog yan a) na magsulat dahil kay pareng "Renz"... naisip ko lang pano nga ba ko nagsimula sa blogging (tagalog?). Alam ko lahat tayo dito ay may rason kung bakit, bukod sa ung iba ay gustong kumita (adsense). Hehehe!
Disyembre ng nakaraang taon ng magsimula ako magsulat at galugarin ang mundo ng blogging. Sa totoo lang wala akong pakialam sa (wala atang tagalog tong mga to, cencia na) "Friend List", "Following Ekek", "Adding Links", "Adsense", "Comments" at kung anu-ano pang ka-ekekan sa mundo ng blogsphere... Kasi ang tanging pakialam ko lang eh magsulat. Literal na ginawa kong tala-arawan (diary) ang blogging. Pero bat nga ba ko napadpad dito? Isa lang ang dahilan, kasi....
Nakakatawa pero totoo. Ginawa kong labasan ng malulungkot na pakiramdam ang una kong blog. Sa "i.ph" (ayaw ko i-link, haha!) ko unang binuhos ang lahat ng sama ng loob ko, mga tanong sa buhay na hindi masagot, mga pagsisisi, mga agam agam... sa kasalukuyang terminolohiya, EMO ang tema.
At dahil sa sobrang bugso ng damdamin, halos araw-araw ay may sinusulat ako, punong puno ang site na yun. At hanggang ngaun naman ay hindi ko pa rin masasabi na hindi na iyon ang rason ko sa patuloy na pagsusulat.. halata naman siguro na malulungkot pa din ang akda ko. hehe!
Hmmm.. so kung sa i.ph ako nagsimula, pano ko napapadpad sa blogspot?
Pinakilala sakin ni "Unni" ang blogspot. Pangalawa siya sa blogger na nagkomento sa aking sumisigaw na kahon (Shout box, duh!) makalipas ang apat na buwan ng pagsusulat.. halatang wala kong kaibigan sa i.ph.. hahahaha! Sa madaling sabi, close-closan ko na tong si Unni (feelingero).. haha!
Mula sa aking puso... Salamat sayo Unni!! At dahil jan, poste (post, hehehe) ako ng picture mo at blogsite mo.. ayan pinapakalat na kita (pinopromote).
Sa mga susunod na araw, buwan o taon, maaaring magbago na ang mga rason ko sa patuloy na pagsusulat. Pero magkaganun man, iba pa rin ang UNA.. hindi makakalimutan. ^_^
Ikaw pano ka nga ba nagsimula sa mundo ng malikot na pagiisip na blogsphere?
3 comments:
apir salamat sa pagpromote,,atwali may mga frens ako galing sa i.ph na nalipat dito,,,naku poh puro emotero at emotera ata ang mga galing dun bwahahaha,,,,pero infairness dahil sa i.ph natuto taung ilabas ang ating tunay na nararamdaman ano,,hehehe,,,
same tau wala rin ako gaanong naging frenster dun sa i.ph parang ang liit ng mundo dun noh hahaha,,buti pa dito saya saya hahaa...keep blogging benh ~~~
naks jan nagsisimula ang lahat. haha
@Unni oo nga.. hehe! mas okei dito sa blogspot. thanks for bringing me here.
@Kikilabotz ikaw din ba? hehe!
Post a Comment