July 24, Sabado, ako ay lasing na naman.
Iba talaga ang epekto ng alak sa tao. Madalas nakakagawa tayo ng mga bagay na hindi na natin namamalayan. Sabi nila un daw ang tunay na kulay na ugali ng tao... kapag nakainom na. Kasi you tend to loose your defense and expose yourself to everyone. Anu-ano nga ba ang epekto ng alcohol sa ugali ng tao..
Meron jan madalas na mag-english (haha!). Nagiging instant cum laude!
Minsan nagwawala... tapos biglang iiyak (Baliw?)
Meron ding nagiging pasaway (alam mo na 'to)
At meron ding sobrang emotional na. (sober up!)
Tipsy. Madalas yan ang marinig natin sa mga kainuman natin.. "Ano tipsy na?" lalo na pag napapansin nilang nagiging maligalig ka na. Tsk tsk.. at malamang after ng inuman e topic of the town ka na din. Dahil sa mga pinaggagagawa mo..
Well, di ko naman sinulat 'to para magshare ng mga kalokohan ko. Haha! Asa naman.. ako author tapos ako paguusapan. Db? Basta ang natatandaan ko lang eh masaya talaga pag may inuman.. hindi dahil sa beer o pulutan, kundi dahil sa kasama mo... sa walang humpay na kwentuhan, tawanan at meron pang tuksuhan.
Lumalakas ang loob. Isa na siguro to sa maganda at masamang epekto ng alak sa tao. Oozing with self confidence na ang drama ni kuya o ate pag tinamaan na ng 7% alcohol na San Mig Light. May mga sikretong madalas mabunyag... at madalas sa love. May mga nagcoconfess sa mga crushes nila o sa dati na nilang mahal na may mahal ng iba (awww.. ang bagal kasi). Ang masakit lang, after mong magsalita ang irereply lang sayo... "joke ba yan? lasing ka na." Aray! Muka bang hindi genuine ang sinasabi mo pag lasing ka? hmmm..
Gusto ko lang din magpasalamat sa mga taong ito na kung wala sila eh malamang naghugas kami ng plato at inabot ng sipa ng bouncer ng bar. Para kay Raul, Tina at Joey.. Kampay! Sana maulit pa ang libreng nomo.
At syempre sa mga sponsor namin:
San Mig Light
Tanduay Ice (love this)
Gilbey's Premium Strength (GPS)
Red Horse (nakupo!)
Coors Light
Margarita
Sisig
Pancit
Tokwa
Kwago's Videoke
Solve! :)
11 comments:
andami mong sponsors :D
Sa sponsor mo pa lang, lasing na lasing na ako XD
Naku, di ko pa talaga nararanasan na malasing ng todo yung tipong gumagapang na pauwi sa bahay. I drink pero moderately lang ^^ pag nakakaramdam na ng tama, stop na XD
naku madalas yan na nangyayari sa akin before, lalo na pag meraket, naku inuman at kung sinu sinu na hahawak at hahalik sayo.. hahahahaha... joke lng, hindi, minsa kasi my mga times na di mo na kaya, pero dahil sa pakisama, iinum kp,ayun nakatulog tuloy, at nagsuka pa.. pero once lang din sa akin nangyari ang ganun na bagay.. kakahiya anu?
@Khanto panalo sa sponsors no.. bumaha ng inumin.
@fiel musta po? sa dami ng inumin sa mesa, halo-halo na nga naiinom ko.. kaya parang pare-parehas na lasa para sakin. pwera lang ung tanduay ice.. un ang fave ko eh.. sakto lang.. hehe! Try mo minsan pakalunod sa beer. pero sa bahay nio dapat ang venue. Alam na :D
@Tim agree ako dun sa may humahawak na at humahalik.. haha! it happens!
grabe ang pagbaha ng inumin ha. parang napasarap kayo sa combi. sana makainuman ko kayo nila khanto pagbakasyon ko dyan sa pinas next month!
@No Benta - pwede! Wala pa kong namimit na blogger.. baka tayo pa una.. haha! sama na din natin sina Unni.. para may chic. hahaha! Peace Unni :D
dami pinasalamatan ah, lasing nga! hehehe
tanong lang, ano yung tipsy? sensya na walang alam sa ganon e.hehehe.
sige set tayo ng eb with other bloggers!
@Darklady - tipsy ka, parang unsteady na kasi nakainom na.. pero di ka pa lasing.. hmmm.. alam mo pa gingagawa mo pero umiikot na mundo mo.. haha!
@NoBenta - sige sige.. :)
wala bang absolut vodka?hahaha,,,sama ng epekto sakin nung GPS,absolut vodka at san mig light pulutan ko matamis na kendi haha,,resulta hyper ako buong magdamag hahaha,,,di ako nakatulog hahaha,,,,tahimik lng ako pag lasing na nakikiramdam paano ako makakauwi hahaha....
@Unni haha! Sige by rquest mo eh, sasamhan natin gn Absolut yan. Sama ka daw EB if ever sabi ni NoBenta. haha! Madali lang umuwi pag nakainom, cab! :))
Post a Comment