Ano ba ibig sabihin ng "lalalala"? Buti na lang at anjan si pareng google at yahoo para tulungan ako.. type type and then hit "search" o "hanapin".. hmmm.. Wala. wala akong makitang meaning ng salitang lalala bukod sa isa ata itong kanta o more particulary children's rhyme.
Ano bang meron at naisipan kong hanapin ang meaning ng salitang ito? Actually may naalala lang ako na isang tao na madalas ko marinig o magsalita ng lalala.. Ginagamit daw nia 'to pag wala na ciang masabi.. o pambara lang din minsan sa kausap. Therefore, para lang siyang variable na bahala ka ng mag-substitute ng anumang appropriate words na gusto mo. Pero syempre kung bubuo ka ng isang usapan at ito ang irereply sayo, malamang sa hindi eh alam mo na din ibig nia sabihin.. kung gayun, partially i could say that its something you don't want to say.. could be a taboo word?.. palagay ko lang naman.