If you were to change the color of blue book, what would it be?
"I would change the color to RED. Because it feels like war when taking exams!"
{One of the questions on my UPLB yearbook}
I miss the blue book. Eto ung sikat na sikat na papel sa buong UP system. Pag may hawak ka nian alam na may exam ka. and Good Luck! At hindi tumatanggap ang professor ng ibang papel bukod jan. Kaya magdala ka ng mga dalawa para in case essay ang exam mo, eh hindi ka mabibitin sa pagsusulat.
Halo-halong emotions ang dala ng blue book sa isang UP student.
Minsan masaya...
Minsan malaungkot...
Nakakaiyak... lalo na pag do or die na.. Removal exam na! hehehe!
Naalala ko pa nung freshman pa ko sa college. Unang schedule ng exam ko nun sa isang subject. Exam week at pinagdadala kami ng blue book para sa exam. Clueless talaga ko nun kung ano ung blue book. Bukod sa iniisip ko na exam na nga, baka mahal pa ung blue book na yun. At bawat subject kelangan ng ganun. Nagboboard lang ako nun at bilang isang hamak na estydyante, sakto lang ang allowance ko na dala para sa isang buong linggo.
Uwian na at malayo pa ang susunod na subject ko. Malapit lang naman yung boarding house ko kaya naglakad-lakad muna ko para maghanap ng blue book. To my surprise, ang akala kong blue book na mahal ay worth P1.50 lang pala! At ang nipis nia (notebuk ba tlga ito? hehe!). So sobrang gulat, napabili ako ng sampu.
Nakakamiss din ang buhay estudyante. After exam week, todo gimik na! hingi ka lang allowance kung wala ka ng pera. Di ganung kakomplikado ang buhay. Minahal ko na din ang score na madalas kong makuha sa blue book... tres, 2.5, dos, 1.75, at syempre UNO!! haha!
Pero bihira akong makakita ng markang uno sa bluebook ko. Iskul bukol din kasi ako nung college. Ako ung tipo ng student na sakto lang. tama lang. Di ako grade conscious. What is important mapasa ko at may matutunan ako. Hindi ko din naman kasi inasam na gumradweyt with flying colors at laude laude. tama na ung balanse ang school at social life! Agree? =))
anggang dito na lang. ;)
- Lestat :)