Halos malapit ng dumampi ang mapupulang niyang labi ng biglang may naaninag kang isang bagay na papalapit sa iyong mukha… lumilipad.
Bukod dyan e nahuli ka pa minsan ng kaklase mong nagtatago sa halaman at nagnanakaw ng
Sa araw-araw na ginawa ng Diyos eh ganito lagi ang drama mo. Habang abala ang mga kaklase mo sa kakalaro ng sipa at jolen, ikaw naman ay walang inatupag kundi sumulyap ng sumulyap kay Angela. Hindi rin naman kita masisis dahil maganda si Angela. Bukod sa kulay asul niyang mga mata at nakakasilaw na kaputian ay nanjan din ang makapigil hininga niyang ngiti.
Lumipas ang mga araw, syempre walang inunlad ang diskarte mong patagong panliligaw sa kanya. Di mo namalayan na Marso na pala. Oo, malapit na ang bakasyon. Mga dalawang buwan din na hindi kayo magkikita. Hindi mo alam kung makakaya mo pa ba ang ganung katagal na hindi mo siya masisilayan.
Nakita mo si Angela sa huling pagkakataon bago matapos ang buwan na iyon. May kakaiba sa kanyang ganda kaya naman napatitig ka ng husto. Ang haba ng maitim niyang buhok lalo na’t nakasuot siya ng puting damit. Kitang kita mo kung pano kumilos ang kanyang kaliwang kamay habang inaaangat ang tali ng kanyang toga papuntang kaliwa. Lumingon siya at nakita ka. Sa sobrang kaba mo ay napatalikod at tumakbo ka.
Dahil sa katangahan mo ay nabangga mo ko, ang kaklase mo simula pa nung unang marka sa elementarya. Natigilan ako, napatitig, nanigas at napipi! Sabay takbo na parang tanga lang. :)
12 comments:
Parang tanga lang... at sa sobrang katangahan, 'di ko mapigilang mapangiti sa mga huling katagang nakasaad sa itaas.
Kakaiba ka rin Kuya... Mabuti nga'y may mga blogger pang katulad mo. :)
Achweet!
haha! mukang nakarelate ka ah.. its a puppy love and a love of an elementary student to a highschool graduating stud... pero kasi minsan malayo ang tingin natin, ung love pala anjan lang sa tabi mo, di mo lang tinitignan. :D
yan ang tinatawag na torpe o kaya mabagal.hehehe
-dark lady muling nagbabalik!! ^_^
@Darklady!!!! wow namiss kita! hehe! torpe nga si kuya. :D
Haha, nakakatawang anecdote ito parekoy! xD
Parang naranasan ko na din yan dati nung elementary pa lang ako haha :D
baka naman sobrang maganda si Angela kaya natatakot lapitan at kausapin,hehe..theme song dito ay ang inawit ni tootsie guevarra na PASULYAP SULYAP KA KUNWARI, PATINGIN TINGIN SA AKIN, DI MAINTINDIHAN ANG IBIG MONG SABIHIN..KUNG MAYROON PAG IBIG AY IPAGTAPAT MO NA..AGAD NAMAN KITANG SASAGUTIN.......napaawit ako........
@Fiel-kun haha! maaga ka din lumandi pre ah.. hahaha!
@Arvin nakakaLSS yan pre.. swakto nga no!
haha.. hindi ko alam kung torpe o mahiyain? sige na nga, mahyain na lang. haha. peace. naalala ko tuloy ang puppy love ko, nasaan na kaya siya? haayy...
Nightcrawler tingin ko torpe tlga to. hahaha! ui reminiscing ka ah.. :D
naiinis ako s mga lalakeng torpe. sorry ha. pro pakiramdam ko kc sa pinoy culture dpat tiniteyk advantage nila ang masculinity nila to court girls. mga TSE. hnd ako galet. and my comments' were to criticize 'some' guys. :P
sobrang torpedo rin ako noong kabataan ko. bigla kong naalala ang elementary days. kahit na alam kong may kras din sa akin ang kras ko ay 'di man lang ako nakaporma! \m/
@Sows welcome po ang violent reactions at argumento sa aking munting blogsite. Hmmm.. Tingin ko kasi ang pagiging torpe ay more than just the literal meaning. For me it encompasses self-esteem and inferiority complex.. So kung torpe, malamang may personality problem ang tao. Same lang din siguro yan ng speech fright. tingin ko lang naman. :D
@NoBenta Haha! kasi naman late ka lumandi. bwahahaha!
Post a Comment