Benigmassive.blogspot

Silence. Unspoken. Unstated.
Words. Terms. Expressions.


Thursday, August 5, 2010

PAG-IBIG [hakbang]


Sa bawat pahina ng buhay mayroon mga pangyayaring hindi mo inakalang tatatak ng lubos sa iyong pagkatao. Madalas ay ito ang nagiging sanhi ng iyong kasiyahan, pagkabigo, kalungkutan, pagkaaliw, pagkalubog at pagpaparaya. Isa itong bagay na nakakahilong ieksplika at lubos na pag-aralan. Marahil dahil sa hindi naman ito isang kaganapan sa buhay na parehas sa ibang tao. Magkakaiba ang pananaw, pakiramdam, pagtanggap at pagkasuya natin sa konseptong ito.

Malamang ay tanda mo pa nung nasa elementary ka ang unang beses mong naranasan ang kakaibang pakiramdam na ubod na nagpasaya sa iyo. Na sa tuwing dadaan ang “crush” mo at mapapatingin o titig sayo ay para ka bang nasa alapaap at sinusuray-suray ng mga ulap. Ito na marahil ang unang kilig at unang hakbang ng kamulatan mo sa konsepto ng puso.


Dumaan ang mga araw at naging abala ka sa buhay estudyante. Trip na trip mo pa ang mga usong kanta ng mga kabataan noon. Natatandaan mo ba ang mga linya sa kantang "Torpedo" na pinasikat ng eraserheads. Dito mo natutunan na kung gaano kagaan sa pakiramdam ang mapunta sa ikasiyam na alapaap ay siya ring hirap iparamdam sa kanya. Oo, minsan din akong naging ganyan. Naging utal, nagmukang tanga at napahiya sa harapan niya. Pero hindi naman dun nagtapos ang lahat, kasi mas tumimbang sayo ang ligayang nararamdaman at nabulalas mo din ang lahat. Eto na ang simula ng panibagong kabanata ng iyong buhay.

Napakaganda at napakagwapo mo sa araw-araw na ginawa ng Diyos. Isa na yan sa epekto ng bugso ng iyong damdamin. May nagaalaga na sa iyo at may inaalagaan ka na din. Laging may ngiti sa iyong mga mata at labi animo'y kumikislap na parang mga bituin sa kalangitan. Inspirado ka sa mga bagay-bagay at laging positibo ang pananaw mo sa buhay. Malamang ay unang beses din to na gumawa ka ng "blogsite" para lang isigaw sa mundo kung gano ka kasaya. Lumipas ang mga araw, buwan at taon kasama ng mga koleksyon mong bulaklak, lobo, cake, greeting cards at singsing.

Sa pakikipagsapalaran sa masalimuot mong buhay, maraming nagbago. Ang bulaklak na itinago mo ay nabulok din. Ang lobo na dati'y napakalikot ay di na makaangat sa himpapawid. Ang greeting cards na dati'y punong-puno ng sulat ay nangupas na. Tanging naiwan sayo ay ang pares ng singsing na dati'y magkahiwalay na nakasuot sa inyong mga mumunting daliri. Masakit at halos gumuho na ang mundo mo. Umaayaw ka na sa buhay at nais na lamang ay salubungin na ang karit ni kamatayan. Asan na ang dating ngiti?... ang kumikislap na mata?... ang kagwapuhan at kagandahan?... ngaun ay para ka na lang tanga na nasa isang sulok at katumbas mo pa ang pulubi na kulang na lang ay laglagan ka ng barya.

Nagmakaawa ka, lumuhod sa harapan niya at nangangakong magbabago at hindi na mauulit ang lahat. “Magsimula muli tayo”… ngunit nalaman mo na lang na huli na ang lahat. Wala na ang siglang dati ninyong pinagdadamayan. Wala na ang mga saya at puro hinagpis at kalungkutan na lang ang natira. Tumigil ang mundo mo, walang direkson.

Para lamang yan bangin, pinakamasarap ay ang aktong tumalon ka at parang lumilipad na walang pakialam kung ano man ang kakabagsakan. Lumipas ang panahon at unti-unti kang bumawi sa pagkakasadlak. Malamang ay nabasa mo din ang mga payo ni Bob Ong at naisabuhay ang lahat. Handa ka ng salubungin muli ang buhay ng buong tapang, walang pagsisisi at puno ng pag-asa. Nasabi mo na lang... "Ngaun alam ko na, ganun pala ang PAG-IBIG"

36 comments:

aninipot said...

pag-ibig nga naman,,done reading it.

MiDniGHt DriVer said...

Huwaw... Ang sarap magmahal. palagian ka lamang nasa ulap. :-)

J. Kulisap said...

Pinaibig mo ako, pinabalik mo ako sa nakaraan.

Lutang, walang pakialam..mahapdi, may kurot. Ilan pa lamang, pag-ibig na.

Sir, salamat sa iyong akda.

NoBenta said...

sarap talagang magbalik-tanaw sa mga panahong una kang nagmahal!!

blogenroll \m/

Anonymous said...

pre ang galing mong magsulat para sakin mukhang panalo ka na!

Benh said...

@ Aninipot - salamat sa eport na pagbabasa.. hehe!

@Midnight oo nga eh, pero sana wala na ding sakit.

@J.kul - pano po ko magbibigay ng puntos sa ibang entries? kelan po deadline? salamat po sa pag appreciate sa aking akda. :)

@No Benta - oo nga eh.. palagay ko nga un na ang pinakamasarap sa lahat. iba tlga ang una.

@Ricoyakee - wala pa kong nababasang ibang entries. Kagagaling ko sa sakit. malas nga wrong timing. Salamat po sa pagappreciate. :)

J. Kulisap said...

Diwatang Gala, ipinakikilala ko po si Benh.

G.Benh, ito po ay entry number 3.

Salamat.

Magpapadala ako ng excel file sa iyong email address na ibabalik mo din sa akin. Pakihintay.

Walang anuman.

Benh said...

Salamat G.J.Kul.. napakapormal natin.. hahaha! :D

salbehe said...

Sasali ka ba talaga? Huwag na! Madadagdagan na naman ang magagaling!

MiDniGHt DriVer said...

aw.. sumali ka din dito. parang ayaw ko na ata sumali. hehe

Benh said...

@Salbehe haha! sakto lang naman tong entry ko di naman kahusayan. :) Nabasa ko na din entry mo, sau ung poem db? astig nga eh.

@Driver - sali na! its not about winning, its about participating :D

Anonymous said...

bangis . maganda :) aylabet♥

Tubi said...

lahat possible talaga sa salitang pag-ibig.

napadaan lang po. =)

Joyo said...

ako naranasan ko ng mahulog sa bangin... ang lakas ng bagsak ko pero buhay pa ako... mas buhay na buhay ako... bumangon ako dahil mahal ko ang sarili ko at alam ko balang araw darating din ang pag-ibig na karapat-dapat sa akin... ayun oh!

fumbledapple said...

Binasa ko ito habang pinapakinggan ang kantang "Hurt" ni Christina Aguilera. -- Nashare ko lang naman, 'di naman talaga sila lubusang magkaugnay.

"Ano kaya ang sanhi ng malungkot na post na ito?"

Marahil ay nagrarali na ang mga Jejemon ng "3Mo0oo!" sa labas ng bahay ninyo.

At naisip ko... Paano po kaya kung gumawa ka ng "The Other Side of the Story," kung saan sa huli'y may mala-pelikulang ending at ang mga katagang "and they live happily ever after."

Benh said...

@geyli maraming salamat po sa papuri! :D

@Tubi totoo, posible ding maramdaman ang pinakamasakit na hindi maaabot kahit ng iyong imahinasyon.

@joyo - magandang attitude yan pre. Dapat ganun lahat. "mahalin ang sarili" ika mo nga.

@fummbledapple halo2 na ang pinaghugutan ko nian apple. hmmm.. napaisip ako sa sinabi mo ah.. is that a dare? hehehe! parang fairy tale nga lang.. :D

Unni-gl4ze^_^ said...

benh finally nabasa ko na ng buo dahil may eyeglasses na ako hahaha,,,
woaaah galing ah...pwede pakopya pag may exam tau about sa love,,,
nahiya tuloy ako sa entry ko,,,weeeii,,
“Magsimula muli tayo”~~~hmmmm ayan ayan nasa huli ang pagsisisi ano,,naalala ko lng yan nung sinabi sakin ng aking mabait na asawa pero paano kami magsisimula ulit kung wala na akong tiwala sa kanya?hirap noh,,,good job and goodluck satin benh

Benh said...

@Unni nye, pagdating sa love eh sayo ako kokopya.. sigurado perfect! lampas pa score kung may bonus question! haha! Gudlak satin! :D

kikilabotz said...

minarkahan ko na po..^_^ astig

Sphere said...

Parang PAGIBIG masdan mo ang ginawa mo!

ganda po :-)

Benh said...

@kikilabotz salamat.. sana mataas marka ko. hahaha! :D

@Sphere maraming salamat po. :)

taga-bundok said...

Gusto kong maranasan na magmakaawa. Gusto kong maranasan ang magmahal. Gusto kong sana ako rin ang iiwan ng sa ganun malaman ko ang pag-ibig. Hanggang teorya lang kasi ang alam ko hanggang ngayon. Hanggang crush lang ako... hanggang dun lang.

Benh said...

Taga-bundok don't wish for it. :D wag mong hanapin ang pag-ibig, kusa itong darating sayo sa tamang oras, panahon at tao.

Anonymous said...

wow ito ung cycle ng pag-ibig. galing.

lestat???? may friend din akong lestat ung codename pero taga cavite sia

Benh said...

Salamat etchisera. tlga? dami ngang nagamit ng code name na yan.. astig kasi. hehe!

lambing said...

ako naman ... naranasan ko na lahat yang cycle na yan... pinakamatindi yun talagang lupaypay ka walang kalaban laban.. yang kasing pag-ibig na yan eh pasok ng pasok.. pero pero pero.. kayang kaya ko pa rin.. naniniwala ako na darating din talaga yan.. cycle ng pag ibig ang , sumaya, umiyak at masaktan.. hihinto lang daw yan pag dating ng tamang tao.. yiii affected??

dumadaan at magbibigay ng puntos! ;)

Benh said...

@Lambing mukang nakarelate ka ng husto ah. tingin ko naman kung dumating na "siya" di pa rin hihinto ang sirkulo ng pag-ibig, ngunit mas matimbang na ang saya at sarap sa pakiramdam. Salamat po. :D

Anonymous said...

"pinakamasarap ay ang aktong tumalon ka at parang lumilipad na walang pakialam kung ano man ang kakabagsakan" --> ito pinakatumatak saken, naimagine ko to. hehehe

Benh said...

:D ayan kasi ung pinakamasarap na pakiramdam, parang pagibig. Kung gano kasarap ganung lagapak mo din pag inabot mo na ang dulo ng bangin.. :)

yin said...

NADAAN SI YIN. NAGBASA. NAGHANAP NG KAPE. KULISAP MAGBABAYAD KA NG MAHAL. DALHIN MO KO SA TUKTOK NG SUSONG DALAGA.

NA-RATE KO NA. DI NA KO KOKOMENTO.

(GANITO LAHAT NG KOMENTO KO SA ENTRIES. ANG IMPORTANTE MABASA AT MAINTINDIHAN KO YUNG KUWENTO AT MA-RATE NG MAAYOS AT MATAPOS BAGO AKO HIMATAYIN SA GUTOM, HAHAHA)

mukhang in-love ka sa kasalukuyan pareng benh.hehehe.

Anonymous said...

nice song.paborito ko 'to.silent sanctuary.

and very nice post.good read.isa pang katibayan na kahit madapa tayo,masugatan ang tuhod,lagi't laging nasa ating desisyon kung babangon pa ba ulit.susubok pa ba ng minsan pa.at tutuloy sa hamon ng buhay at pag-ibig.

Benh said...

@yin naku hindi ako inlababo ngaun. Sakto lang :D Salamat sa eport ng pagbabasa.

@Duking salamat po sa pagappreciate. Fave ko din silnt sanctuary. :))

J. Kulisap said...

Benh, reminder lamang ito na hanggang Agosto 12,2010 11:59pm maaaring ipasa ang iyong marka.
Maraming salamat at magandang araw.

Palong palo ang entry mo.

Benh said...

@G.J.Kul - opo, may 9 pa kong rerebyuhin ngaun. di ko kasi kaya isang upuan lang.. hehe! :D send ko po siya ngaun.

gnehpalle02 said...

ai wala ung comment ko... :((

Benh said...

@gnehpalle02 ha? wala po kong nabasang comment from you and even sa gmail wala pong nagregister.. hehe!