Benigmassive.blogspot

Silence. Unspoken. Unstated.
Words. Terms. Expressions.


Monday, August 2, 2010

Bitter si kuya


"Masakit mawalan ng minamahal pagkatapos ng lahat ng oras ng pinagsamahan at ang sabay niyong pagbuo ng mga pangarap at plano sa buhay.... Ngunit hindi ba't mas masakit malaman na ipinagpalit ka sa PANGIT?!! Asan na ang taste mo ate??"
- tambay sa kanto

Alam kong move on ka na sa dati mong karelasyon, boypren man ito o girlpren. Ngunit aminin mo na minsan ay napapasilip ka pa rin sa fesbuk wall ng ex mo (aminin mo na, mamatay na nagsisinungaling!) sa kadahilanang curious ka sa anong klaseng buhay na ba meron siya after ng break-up niyo. Ninanais mo pa na makipagunahan sa kanya na makahanap kagad ng iba para lang maipakita na naka-move-on ka na (as if s/he cares?!). Magugulat ka na lang isang araw na punong puno ng puso ang paligid ng FB wall niya.. Love is in the air ika nga nila. Ouch! nasaktan ka dahil alam mo sa sarli mo na meron ka pa ding nararamdaman kahit konti... Pero mas naging usisero ka sa kung sino na ba ang karelasyon ng dati mong kasintahan!

Expectations. Syempre iniisip mo na kung may ipapalit man sayo e di hamak na mas gwapo at matalino sayo. Ung tipong basura ka pag dinikit ka sa present BF niya. Pero pano kung hindi ganun? Ang bumulaga sayo ay lingid sa inaasahan mo.. Ano to, pang-aasar? Ipapamuka sayo na he's better than you when in fact kung pagwapuhan lang eh lamang ka ng libong paligo. At kung patalinuhan lang din eh kaya mong sagutan ang Sudoku ng limang minuto lang! Ampucha! nakakairita!

Malamang eh natatawa ka dahil nangyayari naman talaga ang mga ganitong eksena. At kung pwede lang na hindi malaman ng barkada mo kung sino ang pinalit sayo eh gagawin mo para lang hindi ka mabasag sa lupit ng pang-aasar ng tropa mo. Pero maliit ang mundo at lalo pang pinaliit ng fesbuk. Tatambad lang naman sa news feeds na "(Ex mo) is in a relationship." At di pa nakuntento, dinugtungan pa ng "in a relationship with (insert name ng boypren)." Juskopo!!

Bitter ka ba kuya? Oo at hind. Hindi ako bitter dahil pinagpalit na ko, bitter ako dahil hindi tao ang pinalit sakin, hayup!! hayooopppp!!!! Mapanlait ka na kung sa mapanlait pero un talaga ang nakikita ng mata mo.. sabi nga nila, "to see is to believe." Bwahahaha!

Wag maxadong kadibdibin ang post na ito at paumanhin sa mga tinamaan (kung meron man).. Naisip ko lang magpost ng ganitong tema dahil sa isang kwentuhan na pinaghanguan ko ng salaysay na ito. In fairness may natutunan ako...

..... Minsan may point din na maging BITTER ka! Lalo na pag nasa lugar! Hahaha! :)) Peace man!! ^_^V


16 comments:

Jag said...

uhmmmm...I just wondered bakit mas pinili ni ate na ipagpalit si koya sa isang pangit na hayop? LOL.

Napadaan parekoy!

khantotantra said...

baka kaya pinilit ni ate na sumama sa pangit kase nagayuma. joke. dumaan lang. :D

Benh said...

@Jag - kasi mas hayop si koya? hahaha!

@Khanto - magandang theory yan!! malay nga natin! haha!

Jag said...

hahaha kaya pala hahaha...isa n ako sa mga taga PALO mo parekoy (follower ba) hahaha...

Benh said...

@jag ako din! nice meeting you pre! basa-basa lang tayo. nice blogsite by the way.. i've checked some of your post. keep blogging!

MiDniGHt DriVer said...

hahaha.. tama nga.. ang sakit nyan. ang sakit sa bangs. lolz

Benh said...

tumpak MiDniGHt DriVer!! Ouch talaga to.. kawawa ka pa sa matinding kantyawan ng barkada mo!! haha! maiisip mo na lang, "mas gwapo ba sakin yun?" :))))

Unni-gl4ze^_^ said...

ang adik ng poste nakarelate ako,,,
mas nakakabiter nga kung ang pinagpalit satin eh isang hayoop joke sarcastic na ba,,,syyyett naalala ko nanaman ang faceness ng gf gfan ng asawa ko dati hhahaa,,,,poootragess kahit di ako maligo ng ilang araw eh mas maganda pa din ako haha feelingera,,,,at isa pang syeetness nag eenglish puro wrong grammar naman aruy bitter ba??/pero kasi namn pwede magtagalog bat nag eenglish pa haha,,yun lng salamt sa poste mong pwedeng magbuhos ng bitterness saglit pero sorry masaya na ako ngaun hahaha,,,,

sumabog lng saglit sorry ahah

NoBenta said...

bakit ba kasi nakakaengganyong silipin ang fs at fb account ng mga ex's eh!

Arvin U. de la Peña said...

love is blind.......

jenskie said...

hi! ay naku, kapag ipinagpalit ka ng boypren/girlpren mo sa panget, wala taung laban jan kc true lab yan... :)

Benh said...

@Unni - easy.. easy.. haha! okei ka na? dito mo na lang ibuhos yan.. tama! :))

@NoBenta - haha! di ko rin alam eh, kahit ako minsan napapatingin pa din?? baka mahal pa! :))

@Arvin - korek ka pre!

@Jenskie - nakupo!! talo nga tayo jan! baka nga trulab na!

fiel-kun said...

Naku dapat jan parekoy, i-delete mo na sya sa friend list mo para wala ka na talagang updates sa kanya haha. XD para wala ng bitteness, para maka move on na tayo haha!

well tama din si pareng Arvin sa taas, LOVE is totally BLIND talaga... at marami ko ng beses na napatunayan yan sa sarili ko at sa experience ng ibang tao.

Benh said...

@fiel-kun diba mas bitter ka pag dinelete mo sa friendlist mo?? :D

Zyra said...

Bitter , (v. t.) Mournful; sad; distressing; "painful"; pitiable. It's a word dba? So let's use it!! Maawalan ng silbi ang word na yan if we don't use it.

Okay lang din tlg maging bitter, if you have the reason to be bitter, kahit wala ka right. ^_^

Benh said...

@Zyra hahaha! agree naman ako. napakabigat naman kasi ng painful o pitiable.. mas sakto tlga ung bitter. haha! toinks!