Benigmassive.blogspot

Silence. Unspoken. Unstated.
Words. Terms. Expressions.


Tuesday, August 31, 2010

LATE > never

This is a very popular saying passed through generations. Simple but very meaningful.  Mostly applicable sa lahat ng bagay. What if iapply ko ang concept ng love since ito naman ang tema ko sa buwan ng Agosto? whatchathink? 

Nangyari na ba sayo na may nagawa kang maling bagay na gustong gusto mong ayusin pero parang tingin mo ay huli na ang lahat para sayo? Parang wala ka ng magagawa at natuldukan na ang lahat? Isang pakiramdam na pilit mong sinasaksak sa utak mo ngunit ayaw tanggapin ng puso mo. Sabi kasi ng puso mo - Hindi pa tapos ang lahat. Hangga’t humihinga ka at tama ang nararamdaman mo, may lugar pa para kumilos ka. Sabi nga never surrender ’til its over. Pero nadefine ba nila kung kelan mo masasabing over na? Hindi ba't ikaw lang din makakapagsabi kung kelan nga ba tapos na ang lahat. So kung sayo, walang katapusan, edi walang katapusan din ang pakikipaglaban mo sa feelings mo. Gudlak.. hehe!

Saturday, August 28, 2010

A poem


I can still remember
How fate had brought us together
Back in the place where we both find each other
Clueless of how we begin to fall for each other

I can still remember
How fate had brought us apart
What happened to the love that once shared and impart
Now I have no choice but to accept our depart

The years that we've counted
And all the happiness in hearts have planted
Is now part of the memories
Someday, I know, deserves to be reminisce


Friday, August 27, 2010

Adore


Simple yet very strong word. On my years of living, I only hear this word a couple of times. But why do we seldom here this word? Instead, we often here and use words like Crush, Like or even Love. Isn't adore synonymous to these words? With this curiosity, I looked at the dictionary and search for the meaning of this word. The book says...

Adore: (1) To worship as a God (2) To regard with deep, often rupturous love (3) To like very much.

Tuesday, August 24, 2010

Destiny.

We always hear the word destiny or destined. How do people define destiny would be somewhat similar to how most of the people think of it. Two people destined with each other means they will be together at the end "no matter what they do and how people do to separate them." I literally wanted to quote that as it actually defines what destiny is as what other people think of it. But is there really a destiny or is this just another kids fantasy stories?


Sorry to contradict or to disappoint everyone but I and how I view life in general really don't believe that there is destiny. We have the brains to think and common sense to decide on what we really want out of something or out of life. I do not let destiny or fate control me. I hold my own life and I am the only one who can dictate the kind of life that I wanted. This is the only freedom that all of us are blessed to have with.

Monday, August 23, 2010

Love Hurts


Kapag ready ka na daw mainlove ibig sabihin ready ka na din masaktan. Totoo. I agree. Kasi naniniwala ako na hindi ka masasaktan kung hindi totoo ung pagmamahal na nararamdaman mo. Masarap magmahal at palagay ko ito na ang pinakamagandang creation ni God para sa tao. Pero sa emotion na to kasama din ang pinakamasakit - ang masaktan. Bakit nga ba kelangan pang masaktan kung nagmamahal ka? Bakit kung sino pa ung taong nagmamahal ng totoo, siya pa ung madalas masaktan? Anlabo db? Pero un ung harsh truth. 

Magmahal o masaktan? Kahit magmahal lang piliin mo, pinili mo din ang masaktan. Wala namang taong gustong masaktan kaya nga never sumasagi sa utak ng tao na masasaktan siya not until maramdaman nia na un. Hindi ready kasi hindi naman pinlano talaga. At sino bang nagpaplano nito? Aus ka kung ineexpect mo na dadating ka dito. Pero bakit nga ba kelagan pa talagang masaktan?

Sunday, August 22, 2010

Borrowed Life

Life is short...
God gave us life
Life is borrowed only and needs to give back

Wherever you are
I know you are happier now
'Coz you are now in the arms of the angels...
in the arms of our creator

Thank you for sharing memories
Have a peace journey to heaven...


This post is dedicated to "Tatay" my bestfriend's father.
Condolence my friend.

Friday, August 20, 2010

nearing death




I feel the pain growing in my chest as I lay on the rough ground. My heart keeps pounding very hard and it’s getting harder and harder. I feel my whole body… the pain slowly eats me, I wanted to scream but voice was not coming out of my mouth or maybe I wasn’t hearing anything at all. Murmurs… all I hear are murmurs from my surrounding. I feel like an alien who cannot understand their language, it only echoes in my ear. Suddenly my body is getting numb and the pain is slowly fading… should I be happy that the pain is gone?

Tuesday, August 17, 2010

Love and Truth

I’m thinking about you so much…time doesn’t stop for me
My empty heart still can’t find your feelings
I can never draw the same picture twice
But my emotions are just repeating over and over again

Monday, August 16, 2010

EMOtional

Marahil narinig mo na ang salitang EMO. Ung in na in na salita ngaun kung saan madalas ay natatawa ka pag naririnig mo. Bakit? Kasi nirerelate mo cia sa mga taong masyadong madamdamin ang buhay. Ung mga taong kaya daw magpakamatay dahil sa sobrang kalungkutan. Well, sila nga ba tlga un?

Naniniwala ako na ang pagiging EMO ay dinadaanan lahat ng tao. Oo, maniwala ka! Mahirap sigurong tanggapin o malamang nagrereact ka na ngaun kasi feeling mo hindi ka naging EMO kahit minsan. Lahat ng tao may problema. Abnormal ka nga daw kung wala kang poblema. Pero kung EMO ka, madalas na ang problema mo ay problema sa puso, tama? Sino bang hindi nagkaproblema sa love o pagibig? Ikaw? Owss! kahit balibaligtarin natin ang mundo, alam ko nagkaproblema ka na sa pagibig! Hahaha! 

Saturday, August 14, 2010

Love for her (still...)


Still You.

People have different perception of what happiness and success in life is.
You may heard the simplest explanation from a simple person or the most
complex reason to be happy to the most complicated person you have ever met.
But these reasons all root to the love that we wanted to feel and embrace
while we are still alive in this planet. People are born selfish and I agree
to that. We focus more on achieving our own goals and happiness in life rather
than thinking of "others." I once believe that I can give up mine and offer it to
someone else and thought that someday, I know, I would just pick-up my happiness
from the arms of someone whom I am yet to meet.

Tuesday, August 10, 2010

Sampal

Anupa't dumampi din ang iyong malalapad na palad sa napakalambot niyang pisngi...

Dati rati'y madalas mo pang pisilin ang matataba niyang pisngi. At may mga panahon pang wala kang inatupag kundi halikan ang mapupula niang pisngi kung saan litaw na litaw pa ang dalawa niang dimples sa tuwing siya ay ngingiti. Anong nangyari at nadungisan na ang pisngi ng iyong  dalawang maruruming kamay? Bakit halos mamula na ang kanyang balat hindi dahil sa hiya o kilig kundi dahil sa pag sambot ng kanyang muka sa iyong galit na galit na palad.

Saturday, August 7, 2010

Minsan parang Tanga lang


Halos malapit ng dumampi ang mapupulang niyang labi ng biglang may naaninag kang isang bagay na papalapit sa iyong mukha… lumilipad.

“Lutang ka na naman” sigaw ng titser di maipinta ang pagmumuka. Sabay tawanan ng mga kaklase mo kasama na ang crush mong napadaan lang nung mga oras na yun. Napahiya ka na naman, at sa harap na naman niya. Hindi sinasadyang makuha mo ang atensyon niya at kayo’y nagkatitigan ng mga dalawang segundo habang siya’y natatawa. Sulit na kapalit ng bukol sa ulo, Kumpleto na din ang araw mo! Madalas ka pang makita ng mga barkada mong nagtatatakbo habang may hawak na walis tambo na para bang hinahabol ka ng kampon ng mga kadiliman at hinihintay na sagipin ng mga idolo mong “maskman.” Paparating lang pala ang crush mong si Angela… parehas pala kayong “cleaners” nung araw na yun.

Thursday, August 5, 2010

PAG-IBIG [hakbang]


Sa bawat pahina ng buhay mayroon mga pangyayaring hindi mo inakalang tatatak ng lubos sa iyong pagkatao. Madalas ay ito ang nagiging sanhi ng iyong kasiyahan, pagkabigo, kalungkutan, pagkaaliw, pagkalubog at pagpaparaya. Isa itong bagay na nakakahilong ieksplika at lubos na pag-aralan. Marahil dahil sa hindi naman ito isang kaganapan sa buhay na parehas sa ibang tao. Magkakaiba ang pananaw, pakiramdam, pagtanggap at pagkasuya natin sa konseptong ito.

Malamang ay tanda mo pa nung nasa elementary ka ang unang beses mong naranasan ang kakaibang pakiramdam na ubod na nagpasaya sa iyo. Na sa tuwing dadaan ang “crush” mo at mapapatingin o titig sayo ay para ka bang nasa alapaap at sinusuray-suray ng mga ulap. Ito na marahil ang unang kilig at unang hakbang ng kamulatan mo sa konsepto ng puso.

Monday, August 2, 2010

Bitter si kuya


"Masakit mawalan ng minamahal pagkatapos ng lahat ng oras ng pinagsamahan at ang sabay niyong pagbuo ng mga pangarap at plano sa buhay.... Ngunit hindi ba't mas masakit malaman na ipinagpalit ka sa PANGIT?!! Asan na ang taste mo ate??"
- tambay sa kanto

Alam kong move on ka na sa dati mong karelasyon, boypren man ito o girlpren. Ngunit aminin mo na minsan ay napapasilip ka pa rin sa fesbuk wall ng ex mo (aminin mo na, mamatay na nagsisinungaling!) sa kadahilanang curious ka sa anong klaseng buhay na ba meron siya after ng break-up niyo. Ninanais mo pa na makipagunahan sa kanya na makahanap kagad ng iba para lang maipakita na naka-move-on ka na (as if s/he cares?!). Magugulat ka na lang isang araw na punong puno ng puso ang paligid ng FB wall niya.. Love is in the air ika nga nila. Ouch! nasaktan ka dahil alam mo sa sarli mo na meron ka pa ding nararamdaman kahit konti... Pero mas naging usisero ka sa kung sino na ba ang karelasyon ng dati mong kasintahan!

Sunday, August 1, 2010

plert

This just caught my attention. A friend of mine post this on her facebook wall. Interesting...


Ang kulit lang. Bato-bato sa langit, ang tamaan ARAYkupo!!!


Shetix

Hala at ako'y umuwi na namang tipsy. Pero wag ka mag-alala ang post na ito ay hindi tungkol sa paglalasing ko. :))

Nasa opis pa ko ng may magtext sakin at nagyayaya na uminom.. Syempre friday mode na naman at weekend na, sabi ko "ok, sunod na lang ako kasi shift ko pa.." Fast forward ng konti...3am after shift, derecho ako dun sa paborito naming tambayan... mga 5-minute walk lang naman kaya hindi hassle. Inabutan ko dun ang sandamakmak na opismates ko.. Hi jan, Hello dun.. papatagayin ka pa.. "sabi ko teka lang, chill lang tayo" Hinahanap ko ung table ng frend kong nagyaya sakin.. ayun at anjan lang pala sila.