Benigmassive.blogspot

Silence. Unspoken. Unstated.
Words. Terms. Expressions.


Saturday, October 16, 2010

Puro Landi

Sadya nga namang naparaming malanding tao sa mundo. Mapababae, mapalalaki. Ito na daw ang "in" ngaun. Kaya nga pati sa social networking tulad ng facebook eh sumikat ang status na "It's complicated" na minsan nauuwi sa "In a relationship" o "In a relationship with ___" kung proud ka. Minsan naman bumabalik sa "single." Naisip ko lang, magsuggest kaya ako sa facebook team ng isa pang status, "Single and complicated," in short puro landi lang ginagawa.

Masama bang lumandi? Eh pano kung ikaw na ang nilalandi, papalandi ka ba o magpapakasuplado ka? hehe!

Eto na nga ata ang bagong trend ng "New Generation" at minsan pinaglaan ni Rizal ng mga katagang "Nasa Kabataan ang pag-asa ng bayan." Ano pa? hindi ba't uso na rin ang baby muna bago kasal? Na kung salitang kalye lang eh ang tawag natin jan eh "disgrasya" o di nakapagingat o "natyambahan." Araykupo!

Maswerte din naman ung iba na pinapanagutan ng lalaki ang sarap na pinagsaluhan nila na sunod naman ay hirap sa maagang pagaasawa, lalo na ang maagang parenthood. Masakit isipin na pababa ng pababa ang age bracket ng mga taong nagiging magulang na... isama mo pa ang pataas ding trend ng "single parents." Hindi bat narevise na din ang batas patungkol sa pagpapangalan sa anak ng mga single parents? Maaari ng isunod sa apelyido ng babae ang anak na hindi na pinagutan ng abnormal na lalaki.

Eto, eto na ang salamin ng kabataan ngaun. Ikaw makikiuso ka ba?


11 comments:

Mitchie said...

`hahah !
natamaan ako dun sa "it's complicated" na status .. BLEH ! :))

Anonymous said...

makikiuso ba ako?di na ako kabataan benh hahahaa sus mi~~~
hmmmm,,,anover from in a relationship to SINGLE na ako bwahhah,,patama..
wala bang SINGLE/HAPPY :P...

yung bang magkulitan landian n din ba iyon lols~~natanong lang hehe~~

-unni-
ang tamad mag log in ulit haha~~

Trainer Y said...

natawa naman ako sa entry mo kase:

1. early this year, i went from IN A RELATIONSHIP to engage then back to being single.. hehehe

2. guilty as charge sa early parenthood..

3. guilty din sa pagiging single parent..

and last but not the least, guilty sa pagiging MALANDI.. un lang hahahaha

khantotantra said...

isang karatula sa jeep...

"Kapag natutong lumandi,
Tiisin ang hapdi :D"

Poldo said...

hahaha..
this post made my day! hahaha as in hahaha lang talaga!!

ok payn guilty sa pagiging malandi... but have limitation hehehehe

fiel-kun said...

Naku, yan ang hindi maganda sa mga kabataan ngayon eh... porket uso, nakikigaya na rin para lang masabing "IN" sila... dapat sana medyo pag-aralan nila ang mga sitwasyon para di sila basta-basta napapasubo sa isang hindi magandang sitwasyon.

Benh said...

@Mitchie its complicated pa din? haha!

@Unni Single and Happy.. Para namang bitter sa life ang dating.. haha! Kulitan lang un, hindi landian.. madalas kasi ako makipagkulitan.. haha!

@Yanah aww.. parang ang dami mo ng pinagdaanan Yanah.. Kaya yan! Buhay ay buhay! :)

@Khanto haha! nabasa ko din yan one time lang.. sa tricycle naman ata.

@Poldo basta landian in na in sayo eh.. haha! jowk! Limitations? ano? hehehe!

@Fiel uu nga eh.. pero it will all start sa family.. db?

Emmaleigh said...

hinde ako makiki-uso.

pero kaya dapat ipatupad yung reproductive health bill e para maiwasan ang mga teenage pregnancy. lumulubo na nga ang populasyon ng Pilipinas e hinde pa ba gagawa ng paraan?

halojin said...

ganun ata talaga.. kasama sa buhay ng mundo un.. ung meron mga malalandi.. hehe ikaw nga nila if theres love theres hate too tama ba???

Benh said...

@Em aba, anong reproductive health bill? mapaparesearch pa ko ah. haha! :)

@Halojin tama parekoy! Hinay-hinay lang sa paglandi. hahaha! jowk!

Renz said...

Nakakapanlumo man pero eto talaga ang malungkot na reality ng Pilipinas ngayon. Kung titingnan pa natin mabuti, karamihan sa mga nagiging maagang magulang ay yung nagmumula sa mahihirap na pamilya o kaya naman ay yung kulang sa bagay ng magulang. (Wala akong statistics to prove tho).

Hay, Pilipinas. Mapapakamot sa atin si Pepe neto. :)))