Benigmassive.blogspot

Silence. Unspoken. Unstated.
Words. Terms. Expressions.


Thursday, October 21, 2010

Hayskul Layp

Advertisement: Naisip ko lang magpost ng ganitong topic dahil sa sobrang haggard at toxic ngaun sa trabaho ko. Nakakapagod tlga at talaga namang naubos ang energy ko ngaun. Mag SL kaya ako bukas? joke. Kaya isip ako ng isip ng masasayang nangyari sa buhay ko. At naisip ko, ano bang parte ng buhay ko ang pinakapetiks at pinakasimple pero pinakamasaya din... hayskul layf.

Sana balik hayskul na lang ako. Napakasimple ng buhay. Mag-aaral ka lang, hingi baon, puro laro, puro crush! :). Ang saya ng buhay, walang kapressure-pressure 'di tulad ng pagtatrabaho. Lahat ng kalokohan ay una kong natutunan nung sumampa ako ng hayskul, second year hayskul to be specific. Nung first year hayskul kasi matino pa ko hanggang mapasama ako sa barkadang abnormal (pero proud ako sa barkada na 'to na hanggang ngaun ay makakasama pa rin kami).

Sa hayskul ako natutong mag cutting class. Rewarding din 'to eh lalo na pag first time mo ginawa.. todo kaba.. sa titser at sa parents. May mga over d bakod moments pa kami nun. O di kaya naman after lunch eh hindi na bumabalik sa skul.

Sa hayskul ko din naranasan na mapatayo sa class dahil top 1 ka... sa Noisy! O maging cleaners buong linggo dahil sa hindi nakagawa ng assignment, na galit na galit sa mga katropa dahil hindi man lang nagpakopya! haha!
Syempre anjan din naman ung mga party like aquaintance party, christmas party, halloween party at kung ano2 pang party. Pag love song na tumutugtog ay nakupo.. agawan na sa mga girls. Minsan nagkakahiyaan pa ung may mga may crush.. ipagtutulakan pa ng mga kaibigan. Puro pakipot! haha!

Syempre nakakamiss din ang flag ceremony tuwing lunes. At pag di ka umabot on time, nakasarado na ang malaking gate. After ng flag ceremony ay pila-pila lahat ng late at may sermon kay principal. Anjan din ung favorite mong lugar sa eskwelahan.. ang guidance. Allergic ata lahat ng student jan. Pag kasi nasa guidance ka, isa lang dahilan.. nagpasaway ka na nman. Haha! Isang beses lang ako naguidance.. hehe!

Naku sa hayskul ko din natutunan ang vices like inom, sugal, video karera, adding, pustahan at gangsta-gangstahan. At ang pinakamalupit sa lahat... sa hayskul ako natutong manood ng porno. Haha! Tingin ko naman halos lahat jan nagsimula. Mga siraulo kasi ung barkada ko, mga bata pa lang kung anu-ano na alam. Tapos di ka naman makatanggi kasi pag umayaw ka, tutuksuhin kang bading... syempre ikaw ayaw mo nun kaya pamacho effect ka. Haha!

Nakakatuwa naman talaga ang haskul layf... ang daming turning points sa buhay teenager. Di maipagpapalit.



10 comments:

khantotantra said...

tama, high school ang best thing in teenage life. At sa school rumble ang image :d gusto ko yang anime na yan

Axl Powerhouse Network said...

tomo.. sabi nga nila.. hs is the best school life... wala pa rin tatalo :D

Renz said...

"gangstah-gangstahan" LOL XD
OPO. AGREE ako sa inyo na best part ng life ko so far is High School Life siguro dahil high school pa lang ako.
nalulungkot ako kasi gragraduate na ako sa March at the same time naeexcite ako magcollege :]

rose said...

agree po ako sa nyo... mganda nga ang high skol life... marami kang matutunan na mga kabalastugan..hehehhe.. at hindi mo akalain mgagawa mo... pero enjoy lng...

Jett said...

gusto ko ring high school nalang ako forever... walang stress, walang inaalalang future... hay

Poldo said...

although masaya ang pagiging highschool student di ko naman enjoy ang highschool life ko..

bukod sa mukha akong butchokoy nuon.. di pa ako nakakaranas ng........... GALA... hihihi

lio loco said...

nakakamiss ngang tunay ang hayskul layp. hingi ng baon, gala kasama ng tropa, cutting classes, bulakbol sa bayan, inuman sa beach, kapaan sa dilim. hihihi!

haaay...kakamiss talaga ang hayskul layp!

sikoletlover said...

college nako natuto ng kung anech-anech na kabulastugan. palibhasa all girls kami nung HS at bait much ako nun haha

ang kalokohan lang na naalala kong ginawa nun e makipagbatuhan ng balat ng pistachio nuts during a class :P

Benh said...

@ khanto korek! Aba school rumble fan ka din ah! hehe

@Axl uu. Sabagay nasabi ko lang naman din na HS life masaya kasi i've been thru college and working. hehe

@Renz uy musta? tagal mo di nagparamdam ah.. hehe! Masaya din naman magcollege kasi may mga org-org na jan.. tska mga gimik sa gabi panalo. Pero iba pa rin HS.. siguro kasi dun lahat ung UNAng beses.

@Rose haha! tama sa term.. kabalastugan talaga.. mga iskul bukul.

@Jett stress lang eh pag examination.. minsan hindi nga din kasi may katabi ka naman. haha!

Benh said...

@Poldo weh maniwala? haha! aba good boy ka pla dati? at cguro strict ang parents mo.. aba ano nangyari ngaun? hahahaha!

@Lio loco kapaan sa dilim?? hmmm.. hahaha! napaisip ako dun ah.

@Sikoletlover haha! ang bait mo pa pla nung HS ka. Di mo natry magcutting class?