Benigmassive.blogspot

Silence. Unspoken. Unstated.
Words. Terms. Expressions.


Friday, November 5, 2010

Testi

Naalala ko pa nun.. College ako nung magsimula kang maging sikat. Sa sobrang kasikatan mo ay nahumaling din ako at nakijoin sayo. Naging masaya naman ako at dahil sayo marami din akong nakilala... naging kaibigan. Hindi nabubuo ang araw ko ng hindi ka man lang nasisilayan... kung baga hindi mapakali pag di ka man lang nakita.

Namimiss ba kita? hindi din. Cguro dahil may nakita na kong iba. Dun mas naging masaya ako. Mas patok ang mga gimik at talaga namang samdamakmak ang naging kaibigan ko. Oo, nahigitan ka niya. 

Masakit mang sabihin ngunit naging desperado ka.. nagawa mong maging copycat! kung baga sa DVD, naging pirated ka! Kahit alam naman nating mas nauna kang nanghumaling ng mga tulad kong naging fanatic sayo. Nakakabwisit ang ginawa mo! Dahil sa sobrang inis ko ay nagawa kong patayin ka sa sistema ko.

Patawad... Frenster account ko.

-----------------------------------------

P.S 
Naalala ko lang ung frenster natin. Ako, ikaw, tayo.. alam ko lahat tayo may profile dun. Nakakamiss bang magmakaawa para lang sa testi?^_^

testi naman jan!


17 comments:

Emmaleigh said...

ang kurneee na ng friendster haha parang pinagsamang myspace at facebook na siya ngaun.

Benh said...

Talaga Em? haha! wala na kasi ung account ko dun.. sa sobrang inis ko dineactivate ko! haha!

Jag said...

nagmakaawa ba for testi? hahaha...

♫ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ ♫ ayu ♫ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ ♫ said...

ou nga ee..nakakrealte ako..haha..adik din kasi ako sa mga testi ..:D


lalo pag gif

kaso ngaun di na uso ee..ayun :D pamblog na lang hahaah :D

Pirate Keko said...

haha tesi. :P hindi ko magawang magmakaawa sa testi pero hilig kong maghanap ng vid sa youtube panlagay sa profile haha!

Leah said...

Ay nakow! Nakaka relate ako. Naalala ko pa noon...

"Testi naman jan oh! Sige na. Gandahan mo ha.."

Hihi.. Minsan, meron pang libreng Jolibee and pwend para makapgbigay lang siya ng magandang testi.. Hay, those were the days.

Meron pa akong fs account, kaso di ko na maalala ang name at password ko dun.

Ako si Yow said...

Hanggang ngayon buhay pa ang fs account ko. Haha. Pero parang more than 5 mos. na nung huling binuksan ko yun. At oo, ganun nga manghingi ng testi na sisimulan pa kadalasan ng ganito:

Si Benh?
Mabait yan.
Cool at nakakatawa.

WTF?!

Benh said...

@Jag ung mga ibang friend ko kasi grabe pag di ka nagtesti nagtatampo. haha tsaka pag nagtesti sila sayo, dapat ikaw din. nyay.

@Ayu lahat nga ata tayo naadik jan. haha!

@keko di ko na maalala ung video sa profile.. haha! baka di ko lang ginagawa. ang alam ko lang nun, naeedit mo ung interface ng FS account pag marunong ka sa HTML codes.

@Leah naku ganyang-ganyan ung mga friend ko nun.. ewan ko ba. haha

@Yow meron pa ngang iba mangiinis lang.. ilalagay, TESTI. haha!

Poldo said...

hahaha.. testi! testi! testi! tapos sasabihin testi back! minsan mga colorful pics or glittering text ang gamit bwahahaha miss na ba ang FS??! LOL

Benh said...

@Poldo haha! buhay paS account mo? di ko naman namiss, nabwisit nga ako sa FS.. haha!

HaLoJiN said...

nice benh? bilib na sana ako eh.. pero bilib pa rin talaga ako.. kala ko about sa pag ibig na ai.. sabay yung friendster account nya pla.. hehe nice title testi

Benh said...

Haha! Naisip ko lang gawan ng post si Frenster.. matagal din naman ang pinagsamahan namin. haha! Gandang hapon parekoy!

Fickle Cattle said...

Hahaha. May nagfi-friendster pa ba?

http://ficklecattle.blogspot.com/

Dhianz said...

haha.. napadaan ditoh galing kay te yanah... haha.. natawa akoh.. ay so lab testimonials then... tama! magmakaawa mabigyan nang testimonials.. but i juz don't like cuz they changed it... it started to become messages... they shouldn't change it... nd naging limited ang puwedeng i-write.. dmeng sinabi? haha.. ingatz... Godbless!

Benh said...

@Fickle meron pa ata.. ung mga loyalist.. haha!

@Dhianz Hello po! hehe! uu nakakaasar ginawa talga ng frenster kaya tinerminate ko na account ko. haha! Punta ko bahay mo. :)

khantotantra said...

di ko na nabubuksan ang aking friendster. napag-iwanan na siya ng pesbook.

Benh said...

Oo nga Khanto.. and palagay ko limot mo na password mo dun. hahaha!