"Last call for passenger Garra-Lena E. Aguila..."
(Bespren ko ung pangalan ng nasa taas)
Before pa ang napakasayang bakasyon ko at ng aking mga highschool barkada, aba'y sandamakmak na adventure pa ang aming kinaharap. Sari-saring emosyon na talaga namang nagpatawa, nagpadrama at higit sa lahat eh nagpakaba samin.
Before pa ang napakasayang bakasyon ko at ng aking mga highschool barkada, aba'y sandamakmak na adventure pa ang aming kinaharap. Sari-saring emosyon na talaga namang nagpatawa, nagpadrama at higit sa lahat eh nagpakaba samin.
MUNTIK NA KAMING MAIWAN NG EROPLANO!
Haha! Pero bakit nga ba umiral na naman ang katangahan namin at muntik- muntik pang maglaho ang pinapangarap naming paglangoy sa isla ng Boracay?
Filipino time is on time! lols.. hindi ata talaga to maipipilit satin..
dakilang late kasi talaga tayo madalas.. sa lakaran, sa meeting. Alas
sais ang kitaan sa jollibee dito sa may parte ng Laguna. Alas-9 kasi ang
flight namin papuntang Kalibo island. Ako pinakamalapit sa meeting
place kaya malamang ako mauuna.. Pero kung tutuusin sakto lang ako
dumating sa lugar na yun. Alas-7 na kami nakaalis mula sa kitaan at sumakay ng jip patungong sucat. Wala namang naging problema at mabilis ang aming byahe. Pagdating sa Sucat ay sakay naman kami ng Taxi papuntang Gate 3 ng terminal ng eroplano. PAL airlines kasi ang ticket na pinabook ko.
Perstaym naming 5 na magtravel papuntang Bora at perstaym din sasakay ng eroplano (bukod sa isa kong kaibigan na nakaexperience ng sumakay sa airplane (wow sosyalin))... Alas-8 na ng makarating kami sa Terminal Gate 3, ang kaso...
Hindi pala dito ang terminal ng PAL papuntang Kalibo! Dun daw sa terminal 2! Ang masaklap, isang oras ang byahe papunta pa lang dun. Lahat kami kabado na... Dito pa lang e tumatakbo na kami at naghahanap ng shuttle na papunta daw sa terminal 2.. kaso ang bagal ng pila kaya nagdecide na kami na magtaxi.. Waaahhhh!!!!
Sa loob ng taxi, tahimik na ang lahat.. meron nagpapatawa pero halatang para kalmahin lang ang sarili. Nakupo! Naman! Inabot pa kami ng stoplight. Hintay ng konti.. sabay Green na! Ang kaso, ang mamang nakagreen ay ayaw pang magpa-Go.. Ayos! Para san pa't may stoplight manong? Panalo talaga si manong at halos sumpain namin at pinagplanuhan na ipatira sa hired killer (suri naman dala lang ng emosyon)...
Sa wakas, nasa terminal 2 na kami, 5 minutes before 9am! Pinauna na namin ang isa naming kaibigan para asikasuhin na ang aming mga tiket at para iinform na din sila na wag papaalisin ang eroplano dahil may 5 pasaway na pasaherong eengot engot.. hahaha! Btw, siya ung nalate kanina kaya eport kung eport talaga!! :D
Dali-dali kami sa kilos.. Hala, sige takbo... putek perstaym sasakay ng eroplano ganito pa nangyari! nakakatawang nakakaloka talaga.. Pati pagtanggal ko ng sapatos para sa paginspection eh dali-dali dahil baka maiwan ng eroplano. Panalo talaga sa experience!
Minsan masaya ding maging tanga, lalo na pag di ka nagiisa! Pero ang natutunan ko, maging engot ka na kahit saan wag lang sa terminal ng eroplano... kasi muka ka talagang tanga. As in! haha! Hep-hep, hooray!!
14 comments:
buti nakahabol keo. wait ko bora trip nio :D
@Khanto oo nga eh.. Panalo experience kahit papunta pa lang.. haha! wait mo mga next post ko. :)
Ayos ang trip ah. Mejo asar ako sa mga pa-VIP everytime na may meeting.
pak ang adik 5mins before magtake off kau na kau na ang pasaway
panalo at nakarating naman kau sa inyong destination....
at mukhng masaya naman kau sa inyong pictyur ano bwahaha,,,kasi naman 2 hours dba magcheck in before ang flight ai sus pasaway din kau ano pak~
more bora stories not the engot at katangahn mode OK?bwahah,,,peace benh,,,namiss ko ang iyong pag gala saking bahay~hooray~
BORA is for you guys! haha I've never been to bora. heck! I was never been back home since. sad:(
newei, good thing you guys got there just before the plane set off. But I'm pretty sure they do page people who missed boarding time and wait for them for another 10 mins or so.
Em
congrats at nakahabol kayo. sa susunod kasi, agahan para walang hassle. hehe. enjoy BORA :P
oh my gulay. almost. hahaha, nangyari din samin yan ni nafa nung nagpunta kami davao at nakahabol din kami. wait for ur bora escapade dude :-)
ow.em.gee!!! 5 mins before 9? lucky! buti hde kayo kinuyog ng mga pasahero na kasabay niyo hehe
maaga ako palagi sa herfort. takot ako maiwan at magbayad ng rebooking fee haha
exciting :D
Kasi naman! wag kalimutan si ate grace!!! sinu yuN?? apelyido nya Period..
Grace Period! at 3 hours yun...
kailangan nandun na kayo sa loob ng heirport 3 hours before noh! (nagalit??) hehehe..
dahil dyan kailangan mong ikwento ang BORA adventure nyo! gow! hehehe
enjoy!
sa matagal na panahon nakapagbasa ulit ako at napadpad ulit dito sa kuta mo, katulad ng ipinangako ko bumalik ako... ehehe, ang kulit...
sa lakaran hindi ako pahuhuli kaso un sa inyong exciting tlaga... ehehe :D buti naka-abot.. :D
@Deej Speaks haha! ako nasanay na sa mga late.. kaya minsan ako din late.. Iba naman pag meeting na, work na un dapat walang late. hehe! Peace men!
@Unni haha! Sa totoo lang isang oras pa naman bago flight dapat andun na kami.. ungas lang tlga, mali ng terminal! haha! halatang perstaym namin. :D Uu nga.. balik ako bahay mo, basa-basa, puno ngaun ng pictyur ang bahay mo! haha
@Emmaleigh where are you? I am sure you really miss our home.. I know soon you'll visit Phils again. Gud day!
@Nightcrawler opo sir! next time! hehe!
@midnightdriver haha! atlis di kami nagiisa, kasama ka namin.. haha!
@Sikoletlover haha! atually tinitignan nga namin sila.. parang masama na nga tingin samin eh.. haha!
@Poldo sorry naman.. :c next time 5hours before!! haha! OA naman ata.
@gnehpalle02 haha! makata ka pre ah.. bisita din ako sa bahay mo maya-maya. :)
This is funny! You guys are so cool! :)
Hope you can follow me back. Thanks!
http://oh-my-maria.blogspot.com/
Post a Comment