Benigmassive.blogspot

Silence. Unspoken. Unstated.
Words. Terms. Expressions.


Saturday, August 7, 2010

Minsan parang Tanga lang


Halos malapit ng dumampi ang mapupulang niyang labi ng biglang may naaninag kang isang bagay na papalapit sa iyong mukha… lumilipad.

“Lutang ka na naman” sigaw ng titser di maipinta ang pagmumuka. Sabay tawanan ng mga kaklase mo kasama na ang crush mong napadaan lang nung mga oras na yun. Napahiya ka na naman, at sa harap na naman niya. Hindi sinasadyang makuha mo ang atensyon niya at kayo’y nagkatitigan ng mga dalawang segundo habang siya’y natatawa. Sulit na kapalit ng bukol sa ulo, Kumpleto na din ang araw mo! Madalas ka pang makita ng mga barkada mong nagtatatakbo habang may hawak na walis tambo na para bang hinahabol ka ng kampon ng mga kadiliman at hinihintay na sagipin ng mga idolo mong “maskman.” Paparating lang pala ang crush mong si Angela… parehas pala kayong “cleaners” nung araw na yun.

Thursday, August 5, 2010

PAG-IBIG [hakbang]


Sa bawat pahina ng buhay mayroon mga pangyayaring hindi mo inakalang tatatak ng lubos sa iyong pagkatao. Madalas ay ito ang nagiging sanhi ng iyong kasiyahan, pagkabigo, kalungkutan, pagkaaliw, pagkalubog at pagpaparaya. Isa itong bagay na nakakahilong ieksplika at lubos na pag-aralan. Marahil dahil sa hindi naman ito isang kaganapan sa buhay na parehas sa ibang tao. Magkakaiba ang pananaw, pakiramdam, pagtanggap at pagkasuya natin sa konseptong ito.

Malamang ay tanda mo pa nung nasa elementary ka ang unang beses mong naranasan ang kakaibang pakiramdam na ubod na nagpasaya sa iyo. Na sa tuwing dadaan ang “crush” mo at mapapatingin o titig sayo ay para ka bang nasa alapaap at sinusuray-suray ng mga ulap. Ito na marahil ang unang kilig at unang hakbang ng kamulatan mo sa konsepto ng puso.

Monday, August 2, 2010

Bitter si kuya


"Masakit mawalan ng minamahal pagkatapos ng lahat ng oras ng pinagsamahan at ang sabay niyong pagbuo ng mga pangarap at plano sa buhay.... Ngunit hindi ba't mas masakit malaman na ipinagpalit ka sa PANGIT?!! Asan na ang taste mo ate??"
- tambay sa kanto

Alam kong move on ka na sa dati mong karelasyon, boypren man ito o girlpren. Ngunit aminin mo na minsan ay napapasilip ka pa rin sa fesbuk wall ng ex mo (aminin mo na, mamatay na nagsisinungaling!) sa kadahilanang curious ka sa anong klaseng buhay na ba meron siya after ng break-up niyo. Ninanais mo pa na makipagunahan sa kanya na makahanap kagad ng iba para lang maipakita na naka-move-on ka na (as if s/he cares?!). Magugulat ka na lang isang araw na punong puno ng puso ang paligid ng FB wall niya.. Love is in the air ika nga nila. Ouch! nasaktan ka dahil alam mo sa sarli mo na meron ka pa ding nararamdaman kahit konti... Pero mas naging usisero ka sa kung sino na ba ang karelasyon ng dati mong kasintahan!

Sunday, August 1, 2010

plert

This just caught my attention. A friend of mine post this on her facebook wall. Interesting...


Ang kulit lang. Bato-bato sa langit, ang tamaan ARAYkupo!!!


Shetix

Hala at ako'y umuwi na namang tipsy. Pero wag ka mag-alala ang post na ito ay hindi tungkol sa paglalasing ko. :))

Nasa opis pa ko ng may magtext sakin at nagyayaya na uminom.. Syempre friday mode na naman at weekend na, sabi ko "ok, sunod na lang ako kasi shift ko pa.." Fast forward ng konti...3am after shift, derecho ako dun sa paborito naming tambayan... mga 5-minute walk lang naman kaya hindi hassle. Inabutan ko dun ang sandamakmak na opismates ko.. Hi jan, Hello dun.. papatagayin ka pa.. "sabi ko teka lang, chill lang tayo" Hinahanap ko ung table ng frend kong nagyaya sakin.. ayun at anjan lang pala sila.