Benigmassive.blogspot

Silence. Unspoken. Unstated.
Words. Terms. Expressions.


Showing posts with label walang kwenta. Show all posts
Showing posts with label walang kwenta. Show all posts

Wednesday, December 1, 2010

wag mo to i-click

This summary is not available. Please click here to view the post.

Friday, November 5, 2010

Testi

Naalala ko pa nun.. College ako nung magsimula kang maging sikat. Sa sobrang kasikatan mo ay nahumaling din ako at nakijoin sayo. Naging masaya naman ako at dahil sayo marami din akong nakilala... naging kaibigan. Hindi nabubuo ang araw ko ng hindi ka man lang nasisilayan... kung baga hindi mapakali pag di ka man lang nakita.

Namimiss ba kita? hindi din. Cguro dahil may nakita na kong iba. Dun mas naging masaya ako. Mas patok ang mga gimik at talaga namang samdamakmak ang naging kaibigan ko. Oo, nahigitan ka niya. 

Masakit mang sabihin ngunit naging desperado ka.. nagawa mong maging copycat! kung baga sa DVD, naging pirated ka! Kahit alam naman nating mas nauna kang nanghumaling ng mga tulad kong naging fanatic sayo. Nakakabwisit ang ginawa mo! Dahil sa sobrang inis ko ay nagawa kong patayin ka sa sistema ko.

Patawad... Frenster account ko.

-----------------------------------------

P.S 
Naalala ko lang ung frenster natin. Ako, ikaw, tayo.. alam ko lahat tayo may profile dun. Nakakamiss bang magmakaawa para lang sa testi?^_^

testi naman jan!


Thursday, September 16, 2010

Equilibrium





Una kong nakilala ang yin-yang na simbolo sa larong "Mortal Kombat." Seryoso! Hindi ko naman paki kung ano ibig sabihin niyan dati.. basta ang alam ko astig ang itsura nia.. Malaninja ang dating. Tsaka ko na lang nalaman na ang yin-yang pala ay simbolo ng good and bad, angels and evil, goodness and darkness, o kung ano pang maisip niyo. Nung maintindihan ko, na ito nga ay kumakatawan sa dalawang aspeto, naisip ko din na maaring lahat ng bagay ay may kaukulang katumbas o kabaligtaran (opposite). Halimbawa na lang ang mga sumusunod: